MARTIAL LAW SA MINDANAO HINDI PA AALISIN

AGUINALDO – NANINIWALA si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff,  General Carlito Galvez na hindi pa napapanahon para alisin ang Martial Law sa Mindanao.

Paliwanag ni Galvez, kaila­ngan pa rin ang Martial Law lalo na’t nagkalat pa rin ang loose firearms sa Mindanao na ­maaaring magamit at maging banta sa seguridad.

Sa rekord aniya ng AFP, mula Enero ng taong ito, 6,000 mga armas pa lang ang kanilang nakukuha.

Habang patuloy pa nilang hinahanap ang natitirang 80 porsiyentong mga armas na itinago sa pinangyarihan ng giyera.

Iginiit naman ni Galvez na maganda ang implementasyon ng Martial Law sa Mindanao sa kabila nang pagkuwestiyon dito.

Sa katunayan, aniya, nakakatanggap sila ng papuri sa mga tao dahil nakikita umano nila ang ‘remarkable improvement’ sa peace and order sa lugar.  R. SARMIENTO

 

Comments are closed.