MARTIAL LAW  SA NEGROS ORIENTAL MALABO PA -PNP

martial law

CAMP CRAME – HINDI pa napapanahon para magdeklara ng Martial Law sa Negros Oriental, ayon sa Philippine Na­tio­nal Police (PNP).

Ito ay sa kabila na may anim na alkalde ng Negros Island ang pumapabor sa deklarasyon  ng batas militar sa isla.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen Bernard Banac, unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay sa Negros Oriental

Ito ay dahil sa Joint Operation na isinasagawa ng AFP at PNP para mapanagot sa batas ang mga suspek sa mga insidente ng pagpatay.

Sa katunayan, ayon kay Banac, na ang dalawang miyembro umano ng NPA na sina Edmar Amaro at Jojo Ogatis na  nahulihan ng baril at pampasabog ay itinuro ng mga testigo na kasama sa grupong pumatay sa apat na pulis sa Ayungon noong Hulyo 18.

Habang hindi pa makumpirma ng PNP kung ang tatlong suspek na naaresto sa Badian, Cebu  ay kasama sa mga suspek na pumatay sa apat na pulis.

Una nito ay itinaas na sa P5 milyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya para sa pagkakaaresto ng mga supek na pumatay sa apat na pulis na sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino De Leon sa Sitio Yamot, Brgy. Mabato sa Ayungon, Negros Oriental. REA SARMIENTO

Comments are closed.