MARTICIO KAMPEON SA ASIAN SCHOOLS CHESS TILT

Ncaa chess

PINAGBIDAHAN ni Woman National Master Jersey Marticio ng Cabuyao City, Laguna ang Under-15 girls division ng katatapos na Asian Schools Chess Championships sa Tornelo Platform online.

Ang 14-anyos na si Marticio, incoming Grade 9 student ng Pulo National High School, Cabuyao City, Laguna, ay nakakolekta ng 7.5 points mula sa pitong panalo, isang tabla at isang talo sa nine-round tournament.

Naitala ni Marticio, suportado nina Cabuyao City Mayor Atty. Rommel ‘Mel’ Gecolea, Sports Director of Cabuyao City Jerome Paul Lualhati, Cabuyao City Chess Committee Head at Philippine Executive Chess Association president Dr. Fred Paez, ang panalo kontra WCM Khishigbaatar Bayasgalan ng Mongolia sa  first round, Atena Johori ng Iran B sa second round, WCM Bayanmunkh Amin-Erdene  ng Mongolia sa third round , WCM  KM Dahamdi Sanudula ng Sri Lanka sa fourth round,  Tanisha S Boramanikar ng India A sa sixth round, AGM Renganayaki V ng India A sa seventh round at Saravanan Nithyashree ng India A sa ninth at final round.

Tabla siya kay Swetha Thamil Manni ng Malaysia sa  eight at penultimate round. Natalo naman siya kay WFM Kai Ni Agnes Chong ng Malaysia sa fifth round. EDWIN ROLLON

2 thoughts on “MARTICIO KAMPEON SA ASIAN SCHOOLS CHESS TILT”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *