MARTIN DEL ROSARIO HAPPY NA DUMARAMI ANG BASHERS

MASAYA si Martin del Rosario sa mga dumaraming hate bash sa kanya. Nagsimulawallface itong dumagsa sa kanyang social media account nang lumabas siyang salbahe sa “The Gift” ni Alden Richards.

Ayon pa rin sa maga­ling na actor, kahit paano ay nakapagpahinga na muna siya sa pagiging bakla na naging madalas niyang role sa mga pelikulang nagawa niya. Masaya si Martin dahilan sa napatunayan niyang isa siyang actor na sa tuwinang may role siyang ginagampanan ay ini-uugnay talaga sa tunay niyang pagkatao.

O ‘di nga ba, ‘di na mamatay-matay ang ba­ding isyu sa kanya at ngayon naman ay  ‘inaaway’ siya ng mga libo-libong fans ni Alden. Natutuwa naman si Martin at sa kanya napunta ang role na kontrabida ni Alden. Patikim pa lang daw ang mga ‘pahirap’ na ginagawa niya kay Alden sa “The Gift” at hindi na siya magtataka kung sa mga darating pang araw ay babagyuhin na siya ng hate comments sa kanyang socmed dahil mas titindi pa raw ang mga gagawin ni Martin sa paghihirap na ‘nabulag’ nang Alden sa teleserye nila.

BARBIE FORTEZA SINABI NA KAY JAK ROBERTO NA AYAW NIYA NG SIMPLENG KASALAN

CHALLENGE accepted kaya para kay Jak Roberto ang sinabi ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza tungkol sa klase ng kasal na gusto niyang mang­yari?

Say kasi ni Barbie sa katanungan kung anong klaseng kasalan ang feel niya just in case na yayain na siyang pakasal ng boypren na si Jak, ayaw raw niya ng isang simpleng kasalan lang, gusto niya ay ‘yung bonggang-bongga at pati na ang lugar nang pagkakasalan ay sinabi pa ni Barbie, dapat daw ay sa Balesin.

Knowing kikay talaga itong si Barbie pero pagda­ting naman sa mahalagang okasyon sa buhay niya ay nagiging seryoso rin ito. At nang diretsahan naman siyang tinanong kung may plano na ba sila ni Jak na magpakasal?

Say ng young Kapuso actress, hindi naman daw mahalaga kung may plano man o wala o kung kailan gagawin, malalaman at malalaman din daw ito ng publiko kung kaya wait na lang daw. Para naman sa boypren na si Jak, seryoso raw siya pagdating sa karelasyon kahit pa sa mga past girlfriend niya. At say pa rin ng young hunk actor dahil sa seryoso siya sa lovelife, kung sino man ang nagpapatibok ng kanyang puso ngayon ay ‘yun din ang nais na niyang pakasalan.

Sa ngayon ay magkasama ang dalawa sa bago nilang teleserye, ang “Wagas: Wait Lang… Is This Love?” na mapa-panood sa GMA-7 bago mag-“Eat Bulaga”, Monday to Friday.

One thought on “MARTIN DEL ROSARIO HAPPY NA DUMARAMI ANG BASHERS”

  1. 502965 41446Could it be okay to write several of this on my small web website only incorporate a 1 way link towards the website? 352923

Comments are closed.