TALK of the town ang kissing scenes ng Kapuso actor na si Martin del Rosario kina Kiko Matos at Akihiro Blanco, ang leading men niya sa pelikulang “Born Beautiful”, kung saan ginagampanan niya ang role ni Barbs, ang transgender best friend ni Trisha (Paolo Ballesteros) na pinasikat ni Christian Bables.
Katunayan, ikinumpara niya ang mga eksena ng halikan niya sa dalawang co-actors niya sa pelikula.
“Iyong kasing kay Kiko, torrid siya. Laplapan talaga,” sey niya. “Iyon naman kay Akihiro, iba rin. Iyong kay Akihiro, medyo passionate. Actually, may contrast kasi sa characters nila. Torrid iyong isa at passionate naman iyong isa,” dugtong niya.
Ayaw namang magkomento ni Martin kung kaninong halik siya tinamaan.
“’Pag aktor ka kasi in character, mas concerned ka kung paano mo bibigyan ng atake iyong role mo,” ani Martin.
Pero sa tunay na buhay raw, mas gusto niya ang passionate kiss dahil passionate person siya.
“’Pag passionate kasi, ‘pag tender, parang mas ramdam mo iyong pagmamahal,” paliwanag niya. “Pero in fairness, pareho silang magaling na aktor at game talaga sila,” pahabol niya.
Kumpara rin daw sa Die Beautiful, mas mature ang tema ng Born Beautiful.
“Iyong Die Beautiful, noong napanood ko siya, simple lang siya. Dito, mas mature siya. Iyong kuwento, nakapokus kay Barbs pagkatapos na ma-matay ni Trisha, iyong best friend niya. Pagkatapos na mapanood mo iyong movie, mas maiintindihan mo ang mga pinagdaraanan ng mga trans people, iyong journey nila sa paghahanap nila ng happiness,” paliwanag niya.
In a way, nakaka-relate din daw siya sa sitwasyon at pinagdaanan ng kanyang karakter.
“Nakaka-relate ako kung paano niya hinaharap iyong mga failures niya. Nandoon minsan ang frustration, but at the end of the day, you just have to stand up, learn from your mistakes and go on with your life,” pagtatapos niya.
Mula sa produksiyon ng The Idea First Company at Cignal Entertainment, tampok din dito sina Lou Veloso, Chai Fonacier, VJ Mendoza, Gio Gahol at marami pang iba.
MTRCB CHAIR RACHEL ARENAS NAKIPAG-ALYANSA SA NCCA
BAGO pa man, in-appoint ni Presidente Duterte si Rachel Arenas bilang hepe ng Movie and Television Classification Board (MTRCB)ay marami na siyang nagawa kung pag-uusapan ay ang serbisyo publiko.
Naging aktibo si Rachel sa mga kawanggawa sa Philippine National Red Cross at iba pang cause-oriented organizations.
Hindi naman nakapagtataka dahil anak siya ng tanyag na socialite at philanthropist na si Baby Arenas kaya may pagmamanahan siya.
Katunayan, para sa nakararami, binabansagan siyang Baby, Jr.
Pero, kahit flattered si Rachel, gusto rin naman niyang makilala sa kanyang sariling kaparaanan at makatakas sa anino ng ina.
Bukod dito, nakapagsilbi na rin siya sa apat na pangulo, kay Erap, GMA, Noynoy at ngayon nga ay kay Digong.
Bilang MTRCB chair na nasa kanyang ikalawang taon, gusto ni Rachel na palaganapin pa ang matalinong panonood at dalhin ito sa barangay level para mas maging malawak ang sakop nito at maraming Pinoy ang makinabang.
Pamilyar din si Rachel sa entertainment industry. Kilala rin niya ang mga stakeholder sa showbiz.
“Actually, I want to gather all the stakeholders para pag-usapan namin on how we can help each other and collaborate. Gusto ko rin sanang magka-roon tayo ng mas maraming Tagalog movies,” pahayag niya.
Unang hakbang na rito ang naging memorandum of agreement niya sa NCCA para palakasin pa ang pelikulang Pinoy.
Pinapurihan din niya ang ating mga Pinoy filmmakers na nagbibigay ng karangalan sa bansa sa mga international film festival.
“Napakagaling ng ating mga filmmaker at hindi sila nahuhuli sa ibang bansa, kaya dapat lamang na mabigyan sila ng suporta para mas ma-inspire pa silang gumawa ng mga de-kalidad na mga pelikula,” aniya.
Aminado rin si Rachel na fan siya ng mga Pinoy films. “Nanonood din kami ng mga pelikulang Tagalog. Even my mom, pumipila kami. Iyon ang bonding time namin ng mommy ko,” pagwawakas niya.
Comments are closed.