INENDORSO ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) Chairperson at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) President Martin Romualdez bilang Speaker sa pagbubukas ng 18th Congress.
Ito ang inihayag ni Inday Sara sa campaign sortie na ginanap sa Tacloban City Convention Center na kung saan ay ipinakilala si Romualdez, three-term congressman ng 1st district ng Leyte bilang susunod na House Speaker.
“Ang Hugpong ng Pagbabago po kasama ang aming supporters, ang Tingog Sinirangan party-list at si Cong. Martin Romualdez ang susunod natin na speaker sa House of Representatives ay nag-iiwan po ng bukas na invitation sa inyong lahat na bumisita ng Davao City,” ani Inday Sara sa harap ng mga supporter ni Romualdez kasama si Tingog first nominee at Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez na nangangampanya rin para sa senatorial candi-dates ng HNP.
“Ulitin ko po ang sinabi ko noong last time na nandito ako, ako ay masaya na nakahiram ako ng microphone ninyo at nakatayo ako sa stage ninyo upang personal na magpasalamat sa inyong lahat. Mayroon po kaming malaking utang na loob sa inyong lahat,” dagdag pa ni Inday Sara.
Kasabay nito, nagpahayag ng pasasalamat si Romualdez sa ginawang pag-endorso sa kanya ni Mayor Duterte.
“Nabubulunan na ‘ko rito [kasi] dalawang beses sinabi ni Ma’am Inday Sara na ako ang magiging next Speaker of the House. Salamat po ma’am sa tiwala at kumpiyansa sa akin. I am humbled by the mere mentioning of my name,” ani Romualdez sa ginanap na campaign rally.
“I am very thankful, honored and grateful for the endorsement given to me by Mayor Sara in what is going to be a competitive speakership race. As a Malacañang ally, I am committed to push the legislative agenda of the President. Right now, I am working very hard to ensure my victory in the com-ing election,” dagdag pa ni Romualdez.
Bilang panimula sa Visayas leg campaign caravan ng grupong HNP, binagtas ni Inday Sara ang Catarman, Northern Sa-mar patungong Tacloban City na siyang capital ng Eastern Visayas sa pamamagitan ng pagmomotorsiklo na kung saan anim na oras itong bumiyahe para ikampanya ang kanilang senatorial slate at kakamping kandidato sa rehiyon na pinangungunahan ng Tingog party-list.
Ang 13 senatorial candidates ng HNP ay sina reelectionist Senators Sonny Angara, Cynthia Villar, Aquilino “Koko” Pi-mentel III, at Joseph Victor “JV” Ejercito, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, dating presidential assistant Bong Go, dating Senators Jose “Jinggoy” Estrada at Bong Revilla, Deputy Speaker at Taguig City Rep. Pia Cayetano, dating Philippine National Police (PNP) chief Director General Bato dela Rosa, Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, Dr. Willie Ong at dating presidential political adviser Francis Tolentino.
Sa Tacloban City, inihayag ni Duterte ang mensahe ng pagbabago at panawagan sa mga supporter na iboto ang Tingog at Hugpong’s senatoriables sa May 13 elections.
“We owe a lot from the people of Eastern Visayas for their support to President Rodrigo Duterte. I’ll take this opportunity to express our gratitude to everyone,” giit ni Inday Sara.
Kasabay nito, pinasalamatan din ni Duterte ang local leaders sa pangunguna ni Yedda Romualdez, Martin Romualdez, Tacloban mayoral candidate Alfred Romualdez, Tacloban Vice Mayor Jerry Yaokasin, Eastern Samar Governor Marcelo Ferdinand Picardal, Vice Goveror Jonas Abuda, Eastern Samar Lone District congressional candidate Christopher Sheen Gonzales, at Leyte Second District Representative Henry Ong at iba pang mga opisyal.
Gayundin, naniniwala si Duterte na karamihan sa mga problema sa nasyunal ay kayang resolbahin sa local level, kung kaya’t kailangan ang Tingog bilang regional party-list group.
Samantala, sinabi naman ni Yedda Romualdez, ang alyansa sa pagitan ng Tingog at Hugpong ang magbibigay raan para makamit ng adbokasiya isinusulong ng partido.
Ang iba pang nominees ng Tingog ay sina Jude Acidre, Jamie Go, Alexis Yu, at Jenifer Padual.
Comments are closed.