MARTIN TEOFILO DELGADO, UNANG GOBERNADOR NG ILOILO, REBEL LEADER LABAN SA MGA ESPANYOL

KUNG nakapunta na kayo sa Ilo-ilo, maaring naaalala mo ang pangalan ni Martin Teofilo Delgado sa lahat ng lugar – sa mga kalsada at kahit pa sa mga branded pro­ducts. Isang mala­king statue niya ang nakatayo sa harapan ng bagong bukas na Museum of Contemporary Art, at syempre, sa governor’s office dahil siya nga ang kauna-unahang gobernador ng Iloilo. Bago pa ang kanyang career bilang politician, isa siyang rebeldeng lumaban sa mga Espanyol.

Ipinanganak siya sa mayamang pamilya – isang aristocratic mestizo family. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal sa Maynila. Umuwi siya sa Iloilo at nagturo sandali sa public school. Noong rebolusyon 1898, nag-organisa ang mga Espanyol ng volunteer militia sa buong kapuluan. Nagkamali sila sa paniniwalang mga Tagalog lamang ang rebelde. At siguro, naisip nilang kakalabanin ng mga probinsyano ang kapwa nila Filipino dahil tapat sila sa Spain.

Itinalaga si Delgado bilang kapitan at commander ng 125 voluntarios sa Sta. Barbara. Sa halip na gawin ang kanyang tungkulin, ka­baligtaran ang ginawa niya. Noong October 28, 1898, kinuha nila sa mga Espanyol ang municipal building. Hindi nagtagal, nagkaroon ng pag-aaklas sa iba’t ibang bayan ng Iloilo. Noong November 17, 1898, naging lieutenant general si Delgado. Noong December 24, 1898 napatalsik  ang mga Espanyol sa Iloilo at iwinagayway ang bandilang Filipino sa mismong araw ng Pasko.

Nang mag-takeover sa bansa ang ga Americano, kinalaban sila ni Delgado katulong ang mga gerilla. Siya ang chief insurgent officer nang sumuko siya noong February 2, 1901. Kinilala ng mga Americano ang kanyang kakayahan at itinalagang gobernadora noong April 11, 1901. Ang huli niyang mga araw ay ginugol niya bilang superintendent ng Culion leper colony hanggang sa namatay siya noong November 12, 1918. – LEANNE SPHERE