Hindi naman basta-basta ang pag-aalaga ng manok dahil ito ay combination ng LOVE and MONEY.
Ang tagal-tagal mo aalagaan hindi naman siguradong mananalo kaya dapat matatag ang iyong kalooban kung papasukin mo ito kasi isa sa pinakamasama ang pakiramdam ay kapag nanakawan at natalo ang iyong alagang manok kasi tuhod ay nanginginig, tumutulo pa ang pawis at iyon ay dapat nating malampasan.
“Sa una lang naman masakit ang pakiramdam kapag natalo ang manok natin, habang tumatagal ay pasakit nang pasakit kaya ang gamot ay lumaban ulit para makabawi kasi kasabihan na po kung iyan ay talagang tubo/sugarcane iyan ay matamis hanggang dulo!” ang sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
Aniya, sa sabong dapat po ay alam natin lahat ng klase ng langoy (survive) at huwag umasa sa suwerte kasi ang suwerte ay ginagawa po ‘yan.
“Ang tamang sukat gaano kahirap ang mag-breed o magmanok ay kung mayroon kang tao na gusto mong magantihan or may atraso sa iyo at gusto mong mapahamak ay turuan mo siyang mag-breed at sigurado nakabawi ka na!” ani Doc Marvin.
“Para sa akin, ang manok po ay nagsusukli, kung ano alaga mo sa manok mo ay iyon lang din ang ibibigay niya sa’yo!” dagdag pa niya.
Comments are closed.