HIYANG-hiya si Marvin Agustin sa kapalpakan ng cochinillona ipinagbili nila noong nakaraang Pasko sa kanilang mga customers.
Aniya, sumablay ang kanilang mga kitchen equipment pati na ang kanilang ordering system, na sinabayan pa ng last minute cancellation ng mga delivery boys nila at hindi nila ito napaghandaan.
Kabi-kabilang reklamo at batikos ang inabot ng actor-chef dahil dito kaya noon mismong Pasko, December 25, nag-isyu siya ng public apology.
Ito raw ang pinakapalpak niyang Pasko at hindi niya makakalimutan ito. Alam umano niyang napakahalaga ng Pasko sa atin kaya hiyang-hiya siya sa nangyari.
Hindi umano niya sinasadyang nakaperhuwisyo siya ng mga noche Buena.
Marami umano silang order na tinanggap at hindi nila naisip na magkakaroon ng aberya.
Hindi umano niya sinasadya ang nangyari.
Nangako rin si Marvin na makikipag-ugnayan sa kanilang disappointed customers upang makabawi kahit paano.
– KAYE NEBRE MARTIN