MARVIN AT JOLINA BALIK TAMBALAN

MARVIN-JOLINA

PAGKATAPOS mag-click ang pelikulang Exes Baggage kung saan nagkasama ang dating mag-the pointsweethearts na  sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban, muli na namang bubuhayin ang isa pang  loveteam na naging patok noong early 2000.

Ito ay ang tambalan nina Jolina Magdangal  at Marvin Agustin na nakilala noon sa pelikulang “Labs Kita…Okey Ka Lang? na naging hit noong 1998.

Katunayan, hanggang ngayon marami pa rin ang  nakare-relate sa karakter nilang sina Ned at Bugoy sa naturang pelikula bilang best friends turned lovers.

Bagama’t hindi sila nagkatuluyan sa tunay na buhay dahil napangasawa ni Jolens ang Rivermaya vocalist na si Mark Escueta at si Marvin naman ay namayagpag bilang businessman at restaurateur, exciting na malaman na muli silang magkakatrabaho  sa isang pelikulang ipoprodyus ng mag-asawang Antoniette Jadaone at Dan Villegas at ng Black Sheep Productions.

Si Marvin ay bahagi ng Kapuso teleseryeng Inagaw na Bituin samantalang si Jolina ay host ng isang pang-umagang programa sa ABS-CBN.

 QCINEMA 2019 ASIAN NEXT WAVE GRANTEES  INANUNSIYO NA 

INIHAYAG na ng QCinema International Film Festival (QCinema) ang tatlong mapalad na filmmakers na pasok sa Asian New Wave (ANW) competition ng nasabing film festival na gaganapin sa Oktubre.

Ang mga ito ay ang Kaaway sa Sulod ni Arnel Barbarona, Babae at Baril ni Rae Red at Cleaners ni Glenn Barit.

Si Arnel Barbarona ang award-winning director ng Tu Pug Imatuy at Riddles of my Homecoming.

Si Rae Red ay isang magaling na screenwriter at naging co-director ni Fatrick Tabada sa Cinemaone Originals movie na Si Che-deng at si Apple.

Si Glenn Barit naman ay acclaimed di­rector ng mga short film na Aliens Ata at Nangu­ngupahan.

Ang Kaaway sa Sulod ay kuwento ng dalawang babae, isang army officer at guerilla fighter na sa kabila ng ideolohiyang ipina-glalaban ay natagpuan ang koneksiyon sa isa’t isa.

Ang Babae at Baril ay tumatalakay naman sa pakikipagsapalaran ng isang sales lady sa isang department store na nagsawa na sa pagiging underdog at kung paano binago ang buhay niya ng karahasan.

Ang Cleaners ay pumapaksa naman sa buhay ng mga estud­yante mula sa isang high school cleaners group na naiipit sa pan-gangaila ng kanilang trabaho at pagkamulat sa karumihan ng mundo.

Ang tatlong filmmakers ay bibigyan ng production grant na nagkakahalaga ng P1.5 milyon para i-develop ang kanilang mga proyekto.

Ang kanila ring mga pelikula ang magtutunggali sa Pylon Awards para sa Best Picture, Best Actor, Best Actress, Best Screenplay at Best Artistic Achievement, at maging sa mga ka­tegoryang NETPAC Jury Prize at Gender Sensitivity Prize.

Ang QCinema  2019 ay nakatakdang idaos mula Oktubre 13 hanggang 22, 2019 sa mga piling sinehan sa Metro Manila.

Comments are closed.