MAS BAGAY AKO SA UP — CANSINO

CJ Cansino

SA KABILA ng mga pagtatangka ng kanyang mga kapwa collegiate players na i-recruit siya sa kani-kanilang koponan, nagpasiya na rin si CJ Cansino na lumipat sa University of the Philippines.

Sa isang statement na ipinalabas ng UP, sinabi ni Cansino na nalulungkot siyang iwan ang University of Santo Tomas, subalit kailangan niyang gawin ito.

Ayon kay Cansino, kinonsulta niya ang maraming tao hinggil sa kanyang susunod na hakbang at kahapon, Biyernes, ay nakipag-usap siya kay coach Bo Perasol upang ihayag ang kanyang intensiyon na maging isang Fighting Maroons.

“Ang naging pakiramdam ko po ay mas bagay talaga ako sa UP, mas comfortable ako sa UP,” sabi ni Cansino.

Ikinatuwa naman ni Perasol ang naging desisyon ni Cansino na lumipat sa Diliman.

Sinabi ni Perasol na ang incoming third-year guard ay magiging malaking tulong sa kampanya ng koponan sa susunod na season.

“I will personally help him make the transition to being a Fighting Maroon. CJ will definitely enjoy his stay in UP,” ani Perasol.

Ikinatuwa rin ni UP team manager Atty. Agaton Uvero na lumipat na sa kanila ang dating UST captain.

“We wanted him to play for UP when he graduated from UST high school two years ago, but his heart has always been with UST. We are happy and lucky that he chose to be part of the Fighting Maroons this time,” aniya.

Comments are closed.