NAPAGKASUNDUAN ng Malabon City Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (MCTF-MEID) na maaaring hulihin at kasuhan ang mga taong ayaw magpa-test, lalo na ‘yung mga nakasama sa contact tracing at natukoy ng mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs).
Ayon kay City Administrator at MCTF-MEID Member Atty. Voltaire dela Cruz, dalawang batas ang gagamitin upang istriktong ipatupad ang mass testing. Isa ay “Disobedience to a Person in Authority” o pagsuway sa awtoridad sa ilalim ng Revised Penal Code.
Maaari ring kasuhan ang sinumang tatangging magpa-test ng “Non-cooperation” ayon sa Republic Act No. 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.” VICK TANES
Comments are closed.