MAS MABANGIS NA BATAS VS TERORISMO INIHAIN

TERORISMO-2

BILANG bahagi ng kanyang krusada para sa kapayapaan at katahimikan ng bansa laban sa karahasan, muling isinu-long ni Senador Panfilo Lacson ang panukalang naglalayong pigilin ang nagbabantang pagkalat ng terorismo sa bansa.

Nakapaloob ito sa Senate Bill 21 na inihain ni Lacson na ninanais na amiyendahan ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007 upang mas mabigyan ng ngipin ang mga mahihinang probisyon na maaring gamitin ng mga teroristang nagbabalak maghasik ng karahasan sa bansa.

“This bill aims to give the government an effective legal framework that would enable it to have a criminal justice response to terrorism. This measure seeks to provide our law enforcement with enough tools to conduct investigations that would enable to them to prevent terrorist attacks before they happen, or in case they are unable to do so, at least bring the perpetrators to justice,” ani Lacson sa kanyang panukala.

Sa naturang panukala, lahat ng mga parusang igagawad ng batas ay may katapat na habambuhay na pagkakabilanggo na walang karampatang parole.

At kung ang akusado ay tauhan o opisyal ng pamahalaan ay tatanggalin sa trabaho, hindi na bibigyan ng pagkakataon na makabalik sa serbisyo at hindi na rin pagkakalooban ng mga benipisyo.

Ayon kay Lacson, hindi umano kayang sugpuin ng isang anti-terror law ang bantang terorismo, pero ang mas pinalakas na hakbang laban sa mga nais maghasik nito ay isang mabisang instrument para mapigil ang banta.

“(While an anti-terror law in itself cannot solve the problem of terrorism), an intensified one can give the government and the law enforcement agencies the much-needed tool in dealing with the emerging threats of terrorism,” bahagi pa ng paliwanag ni Lacson sa panukala.

Kasama ang senador sa mga nanguna sa pagsulong ng panukalang pinagmulan ng Human Security Act of 2007 na bagaman 10 taon ng ipinapatupad ay kinakikitaan pa rin ng mga butas na maaring lusutan ng mga terorista.

Kabilang sa mga pa­ngunahing nilalaman ng panukala ni Lacson ang mga sumusunod:

* Pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga sasapi o manghihikayat na maging miyembro ng isang binubuong teroristrang grupo;

* Probisyon na naglalayong hindi puwedeng maging “pit stop” o tambayan ng mga terorista ang bansa, kahit na ang plano nila ay ang mag­hasik ng lagim sa ibang lugar o kaya sa loob ng Filipinas;

* Mabigat na parusa sa mga magbibigay ng suporta sa mga teroristang grupo;

* Isama na ang mga Regional Trial Courts sa mga magbibigay ng permiso sa mga alagad ng batas para sa surveillance procedures;

* Mas pinahabang surveillance period para sa mas malalim at orga­nisadong pagkilos ng mga awtoridad;

Malinaw namang bi­ni­bigyan ng kalayaan ng panukala ang kalayaan sa pamamahayag dahil hindi kabilang sa mga asuntong ipinaloob dito ang mga aktibidad na may kaugnayan sa paghahayag ng saloobin sa pamamagitan ng mapayapang pagtitipon.

Sa ilalim ng panukala, may karagdagang miyembro ang Anti-Terrorism Council, na kinabibila­ngan ng mga kalihim ng mga sumusunod na ahensiya:

* information and communications technology

* science and technology

* transportation

* labor and employment

* education

* social welfare and development

* presidential adviser for peace, reunification and unity

* kinatawan mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao

Comments are closed.