TUMATAAS ang obserbasyon ng mga kinukuhang testigo sa mga congressional investigation para makabalangkas ng batas ay nagsasalita sa nais marinig ng nag-iimbestiga.
Hanggang ang sentro ng imbestigasyon ay mapatunayang guilty subalit hindi naman korte ang hahatol dahil ang layunin lamang ng congressional hearing ay “in aid of legislation” na ang ibig sabihin ay paglikha ng panibagong batas.
Pero hindi lang naman sa congressional hearing nagaganap ang perjury at pagsisinungaling maging sa mga korte rin.
Given na naman ang dahilang pagsisinungaling, ito ay upang makalusot sa kinakaharap na kaso.
Pero ang masaklap kasi, dahil sa pagsisinungaling o perjury, ang dapat parusahan ay ibang tao habang ang inosente ay nagdudusa.
So eto na nga, may mga naparusahan na at kapag iba na ang awtoridad, muling bubuksan ang kaso at ang mga pinapatawag na testigo naiiba na ang mga linya.
Kaya naman, nauuso na ang salitang “recant” sa pagbabalita at nalilito na ang publiko kung ano ba ang totoo.
Kaya sana, ang dating pitong taong pagkakulong sa mga guilty sa perjury ay madagdagan upang mahinto na ang kasinungalingan.
Hindi naman ang mga taong sangkot ang nagwawagi kundi ang taumbayan at higit sa lahat sayang ang pagsisikap ng mga mambabatas na pag-aralan ang pagbuo ng batas na alam naman ng lahat na para sa ikabubuti ng bansa.