MAS MABILIS NA MRT3 TRAINS SIMULA SA OKTUBRE

MRT-3

SIMULA ngayong Oktubre ay daragdagan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang train speeds nito para sa mas mabilis na biyahe at mas maikling waiting time para sa mga pasahero.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na simula October 1, 2020, ang travel speed para sa mga tren ng MRT3 ay itataas sa 40 kilometers per hour (Kph) mula sa kasalukuyang 30Kph.

Ayon sa DOTr, ang pinabilis na biyahe ng mga tren ay resulta ng instalasyon ng bagong long-welded rails (LWRs) sa lahat ng MRT3 stations bilang bahagi ng  massive rehabilitation program ng EDSA rail line, na ipinatutupad ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

“The MRT3 was able to complete its rail replacement works this month, several months ahead of its scheduled completion in February 2021,” wika ni Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran.

Ang operating speed ay unti-unting tataasan mula 40Kph sa October sa 50Kph sa November at 60Kph sa December 2020 — ang maximum train speed ng MRT3 noong 2013.

“Even during the implementation of  strict community quarantine levels, with the approval of the IATF, we continued with the massive rehabilitation of the MRT3, which includes replacing all worn out rails with new ones,” sabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Our commuters have suffered enough from the past. It is only right that we give them back their dignity in commuting using the MRT3,” aniya.

“Noong mga nakaraang buwan, naiayos natin ang mga bagon, ang mga aircon, maging ang mga elevator at escalator. Noong isang linggo, nagawa nating magpatakbo ng record-breaking number of trains sa MRT3. Patunay lamang ‘yan na may Covid o wala, tuloy ang trabaho ng DOTr at ng MRT3,” dagdag pa niya.

Bago matapos ang paglalagay ng bagong LWRs, ang average train speed ay 30Kph na may average headway na mula 8.5 minutes hanggang 9 minutes para sa 20 trains.

Sa pagbilis ng biyahe, ang waiting time ay inaasahang mapapaikli sa 6.5 minutes hanggang 7 minutes.

Comments are closed.