MAKARARANAS na ang Filipinas ng mas mahahabang araw.
Ito ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa) ay pagkatapos ng Marso 21 dahil sa vernal equinox o spring equinox na isang celestial phenomenon kung saan ang araw ay direktang sumisikat sa equator.
Dahil dito, may kaparehong haba ang araw at gabi sa kaparehong latitude sa magkabilang hemispheres ng mundo.
Sinabi ng Pagasa na ang vernal equinox ay hudyat na ng pagsisimula ng spring sa northern hemisphere na kinabibilangan ng Filipinas habang autumn naman sa southern hemisphere at kadalasang mas maagang sumisikat ang araw sa panahon ng vernal equi-nox.
Mayroong dalawang equinox sa kabuuan ng taon at bukod sa vernal equinox, mayroon ding autumnal equinox na kadalasang nagaganap sa buwan ng Setyembre.
Comments are closed.