TINITINGNAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang posibilidad ng pagkakaroon ng mas pinahabang oras ng botohan para sa 2022 elections.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, plano rin nilang bawasan ang bilang mga botante sa bawat voting precincts sa gitna na rin ng patuloy na banta ng COVID-19.
Gayunman, mangangailangan naman aniya ito ng mas maraming venues para sa pagboto, mas malaking lugar at mas maraming tauhan para sa eleksiyon.
Dagdag pa ni Jimenez, bukas ang pagkakaroon ng early voting o mas maagang pagboto para sa mga mas malapit sa panganib ng virus gaya ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs), batay na rin sa kung maipapasa ang batas hinggil nito.
Magugunitang nakabinbin pa rin sa Senado ang panukalang payagan na ang early voting sa mga senior citizen at PWDs dahil sa banta ng COVID-19.
Comments are closed.