IGINIIT ng isang mambabatas ang mas mahigpit na pag-iinspeksiyon sa mga ibine-bentang karneng baboy.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera Dy, dapat na mas paigtingin pa ng National Meat Inspection Service (NMIS) at iba pang concerned agencies ang pagmo-monitor sa mga karneng ibinebenta sa merkado dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).
Aniya, dapat ding tiyakin ng mga awtoridad na walang mahahalong karne na ‘botcha’ o double dead sa mga baboy lalo na sa mga processed meat products.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Dy na bagaman mapagkakatiwalaan ang pahayag ng Department of Health (DOH) na walang masamang epekto sa tao ang ASF ay nakababahala pa rin ang posibilidad na posibleng makain ang karneng baboy na kontaminado ng naturang virus. DWIZ882
Comments are closed.