INIHAIN ni Senadora Grace Poe ang Senate Resolution No. 463 para matiyak ang seguridad kapwa ng mga bagahe at pasahero sa mga paliparan sa buong bansa.
Ito ay kasunod ng ulat na “bukas maleta” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Layon ng resolution na lumikha ng isang mas ligtas na sistema sa lahat ng mga paliparan.
“‘Bukas Maleta’ incidents in our airports should not be the norm and must be properly addressed by the Department of Transportation and the Manila International Airport Authority, in accordance with the redress provided under the Air Passenger Bill of Rights and the Montreal Convention, for the peace of mind of all air passengers sojourning in our airports,” sabi ni Poe.
LIZA SORIANO