MAS MAINIT NA PANAHON SA TUGUEGARAO, PAPALO NG 39°C

HOT WEATHER

PINAALALAHANAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko partikular ang mga nakatira sa bahagi ng Tuguegarao na posibleng pumalo sa hanggang 39 degrees Celcius ang temperatura sa naturang lungsod.

Habang ang heat index ay tinatayang nasa 42 degrees Celcius na maituturing ng dangerous level sa isang tao.

Ayon kay Lino Aquino ng Pagasa, ang temperatura kahapon sa Tuguegarao ay nasa 38.5 degrees Celcius habang ang heat index ay nairehistro naman sa 41 deg­rees Celcius.

Matatandaang ang Tuguegarao ang isa sa pinakamainit na lugar sa buong Filipinas tuwing summer.

Umabot sa 44 degrees Celcius ang naitalang pinakamainit na temperatura sa lungsod noong  1950s. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.