(Mas malaki ang bilang kaysa iginupo) 722 PASYENTE NG COVID-19 NAPAGALING NG PINOY DOCTORS

Maria Rosario Vergeire

PATULOY na lumalaki ang bilang ng mga naisasalbang pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) kaysa sa mga nabibigong gumaling.

Ito,  batay sa Department of Health (DOH) Case Bulletin number 40 ay dahil 29 recoveries o pasyenteng gumaling ang naidagdag kaya 722 na ang nakalabas ng ospital.

Subalit ayon kay Health Usec.  Ma. Rosario Vergeire, patuloy pa ring dumarami ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH nakapagtala pa sila ng karagdagang 271 bagong kaso ng sakit, sanhi upang umakyat na sa kabuuang 6,981 ang confirmed COVID-19 cases, hanggang alas-4:00 ng hapon noong Huwebes.

Samantala, nadagdagan rin naman ng 16 ang death toll ng virus, na umabot na ngayon sa kabuuang 462 deaths. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.