NAIS ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na tingnan ng Senado ang pahayag ng isang umamin na gunman na ang utos na patayin ang broadcaster na si Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid, ay nagmula sa “isang tao” mula sa New Bilibid Prison (NBP).
Ilang oras lamang matapos iharap sa media ang suspek na si Joel Estorial noong Martes, inihain ni Revilla ang Senate Resolution No. 264, na nag-utos sa Senate committee on public order and dangerous drugs na magsagawa ng imbestigasyon.
“It is vital to unearth the truth about the factual circumstances that occurred which led to the slaying of Percy Lapid, as well as to lay bare whether the orders came from an inmate or an official/employee of the NBP,” ayon sa kanyang resolusyon.
Kung mapatunayang totoo, sinabi ni Revilla na “imperative” na magsagawa ng mga reporma sa loob ng national penitentiary.
“Allowing government resources to in effect be used to protect the mastermind of crimes is at the heights of atrocity, and must not be condoned,” ayon sa senador.
“It is likewise necessary to ascertain whether there are public officials and/or employees from inside the national penitentiary whose act or omission may have permitted the perpetration of this heinous act which did not only cause senseless loss of life, but also ultimately creates a chilling effect on the members of the press,” dagdag pa niya.
Bukod sa imbestigasyon sa Senado, nais ni Revilla na ipagpatuloy ng Philippine National Police ang pag-iimbestiga sa pagpatay kay Lapid sa kabila ng pagsuko ng umano’y gunman.
Aniya, hindi pa maituturing na lutas ang kaso dahil at large pa rin ang mga kasamahan ni Estorial, at hindi pa nakikilala ang mastermind. LIZA SORIANO