MAS MALUWAG NA QUARANTINE PUWEDE NA-OCTA

INIHAYAG ng OCTA Research Group na posible na umanong makapagpatupad ang pamahalaan ng mas maluwag na quarantine level sa Metro Manila sa susunod na linggo, bunsod na rin ng naoobserbahang pagbagal ng virus reproduction rate sa rehiyon.

Nauna rito, sinabi ng Malacañang na ikinokonsidera nilang maisailalim na ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) matapos ang dalawang linggong strict lockdown dito o enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon naman kay Guido David ng OCTA Research Group, hanggang nitong Lunes, ang COVID-19 reproduction number o ang bilang ng mga taong naihahawa ng isang COVID-19 patient, ay nasa 1.53 na.

Inaasahan aniyang higit pa itong bababa at aabot pa ng 1.2 sa pagtatapos ng pag-iral ng 2-week ECQ sa Abril 11.

Kung magtutuloy-tuloy aniya ang pagbaba ng reproduction number ay maaari na ngang paluwagin ang quarantine level.

“Possible naman…Kung gan’un, ‘pag malapit na siya sa 1, kahit mag-MECQ tayo puwede natin mapapababa ‘yan sa 1 within the following week,” ani David, sa panayam sa Teleradyo.

“Yung projection natin mukhang aabot naman tayo ng 1.2 reproduction number or even less. Baka hindi na necessary i-extend ang ECQ,” aniya pa.

Sinabi ni David na maaaring magsagawa muli ng ebalwasyon ang mga opisyal sa pagtatapos ng linggo kung palalawigin pa ba ang ECQ sa NCR Plus areas o hindi na.

“Syempre kung ‘di bumaba masyado ang reproduction number mahihirapan tayo… So far, mukhang aabot tayo ng 1.2, or even 1.1 pa nga pero medyo optimistic ang 1.1,” aniya pa.

Una nang sinabi ng OCTA na posibleng umabot ng hanggang isang milyon ang COVID-19 cases sa bansa bago matapos ang Abril. Ana Rosario Hernandez

97 thoughts on “MAS MALUWAG NA QUARANTINE PUWEDE NA-OCTA”

  1. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://stromectolst.com/# stromectol coronavirus
    Everything what you want to know about pills. All trends of medicament.

  2. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Get warning information here.
    https://edonlinefast.com cheap erectile dysfunction
    Everything what you want to know about pills. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  3. What side effects can this medication cause? What side effects can this medication cause?
    sildenafil 120
    Read information now. safe and effective drugs are available.

  4. drug information and news for professionals and consumers. All trends of medicament.
    cialisnonprecription
    All trends of medicament. Definitive journal of drugs and therapeutics.

Comments are closed.