MAS MARAMI, MABILIS NA MRT3 TRAINS (Aarangkada sa Hunyo 1)

MAS mabilis at mas maraming tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang aarangkada sa pagbabalik ng rail operations sa Hunyo 1, ayon sa  Department of Transportation (DOTr).

“Dahil nagawa na ang mga rail replacement, mae-experience ninyo na ho ang 40 kilometers per hour na takbo ng MRT3 compared sa usual 25-30km per hour,” wika ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isang virtual briefing.

Nauna nang inanunsiyo ni Tugade na tatakbo ang MRT3 trains sa reduced capacity, ngunit mas maraming tren ang bibiyahe.

“Dito po sa MRT ang gagamitin na trains ay hindi na 14 o 15, kundi 19 dahil  pumayag na ang pamunuan ng Sumitomo na isama ‘yung 3 Dalian trains,” aniya.

“Sa Lunes,  maaasahan na ‘yung trains na tatakbo ay 19,” dagdag pa ni Tugade.

Comments are closed.