MAS MARAMI PANG ELECTRIC VEHICLES NG MERALCO PARA SA PINAIGTING NA GREEN MOBILITY PROGRAM (Mga sasakyan ng power distributor sa Metro Manila, electric na)

KASALUKUYANG nagde-deploy ang Meralco ng karagdagang 69 na electric vehicles bilang bahagi ng programang Green Mobility na naglalayong isulong ang paggamit ng mas malinis na alternatibo para sa transportasyon.

Nasa 69 na karagdagang electric vehicles o EVs ang kasalukuyang idine-deploy ng Manila Electric Co (Meralco) sa mga opisina nito bilang bahagi ng mas pinaigting na programang Green Mobility na layuning isulong ang paggamit ng mas malinis na alternatibo para sa transportasyon.

Ang bagong batch ng EV na binubuo ng mga kotse, van, pick-up truck, at motorsiklo ang magsisilbing transportasyon ng mga tauhan ng kompanya mula sa mga business center at sector office na nakatalagang maghatid ng serbisyo para sa mga customers ng Meralco.

Bukod dito ay mayroon nang halos 60 na electric motorcycles na kasalukuyang ginagamit ng mga field personnel ng Meralco. Ang paglulunsad ng panibagong batch ng EV ay alinsunod sa plano ng kompanya na gawing electric vehicle ang lahat ng sasakyang ginagamit sa operasyon at serbisyo nito. Sa kasalukuyan, ang lahat ng service vehicles sa Metro Manila business centers ay electric na.

Sa ilalim ng Green Mobility Program, nilalayon ng Meralco na mapababa ang greenhouse gas emissions nito at itulak ang paggamit ng EV sa bansa.

Sa ceremonial launch ng mga bagong EV noong ika-7 ng Disyembre, inanunsyo ni Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa na ang Green Mobility Program ng Meralco pati ang mga subsidiaries ng kompanya ay isasali na sa Green Mobility Program.

“Through this Program, we express our full support to the Philippines’ transition to electric transportation.  As we look forward to the government’s enactment of the EV Bill—which will provide incentives to both EV suppliers and users—we welcome a greener, cleaner, and safer environment in our streets and thoroughfares,” sabi ni Espinosa.

Maglalagay rin ng limang charging stations sa iba’t-ibang pasilidad sa loob ng franchise area nito ang Meralco upang masuportahan ang mga EVs.

Sa pamamagitan ng subsidiary nitong eSakay, Inc., ang Meralco ay naghahatid din ng end-to-end na EV at charging infrastructure solutions sa mga customer nito.

“Beyond delivering accessible and reliable electricity service to households and businesses, we, in Meralco, are also at the forefront of providing sustainable solutions to our customers. With our important and intensified shift to vehicle electrification, we hope to influence and inspire others to follow suit and to likewise embed sustainability in their operations,” sabi naman ni Raymond B. Ravelo,  Meralco Chief Sustainability Officer at eSakay President and CEO.

Ang Green Mobility Program ay isa sa mga pangunahing inisyatiba sa ilalim ng sustainability agenda ng Meralco, na nakatugma sa Sustainable Development Goals ng United Nations.

Kabilang din sa mga prayoridad sa ilalim ng ahendang ito ang maayos na pag-transition ng Meralco sa paggamit ng clean energy sa mga susunod na taon; ang paggamit ng plant-based ester oil sa mga distribution transformer nito; at ang programang One For Trees, kung saan layunin ng Meralco na makapagtanim ng limang milyong puno pagdating ng taong 2025.

Bilang pagtatapos, sinabi ni Espinosa: “All these important initiatives are a testament to One Meralco’s pledge to protect and preserve our planet—and ultimately, to power good lives not only for ourselves today, but also for our children’s tomorrow.”