NANINIWALA si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na posibleng makakuha sila ng mahigit 13 boto sa death penalty kung ang pag-uusapan lamang ay ang high level drug trafficking.
Ayon kay Sotto, siya mismo ay pabor na ibalik ang death penalty sa bansa kung para sa high level drug trafficking.
“Kung ang pag-uusapan natin ay ibalik ang death penalty for high-level drug trafficking payag ako. Ngayon, ‘yung mga ibang krimen na isinasama nila katulad nu’ng nangyari sa amin noong araw ako ‘yung principal author nu’ng reimposition ng death penal-ty for drug trafficking e sinamahan ng iba’t ibang krimen,” ani Sotto.
Binigyang-diin ni Sotto na patuloy na namemerwisyo sa mga kabataan at sa bansa ang mga high-level drug trafficker kahit nakakulong ay nakapag-o-operate pa rin.
Gayunman, sinabi nito na kailangang pag-aralan pa ang iba’t ibang krimen na isinasama sa death penalty.
“Pag-aralan nating mabuti at tingin ko rin sa mga nagtutulak diyan, pag-aralan nilang mabuti kasi ‘yung mga krimen na binabanggit nila e may remedyo as far as prosecution is concern,” wika ni Sotto. VICKY CERVALES
Comments are closed.