INAASAHAN na ng World Health Organization (WHO) na mas maraming kaso ng monkeypox ang maitatala.
Ang monkeypox ay isang uri ng nakakahawang sakit na karaniwang mild lamang at endemic o kalat na sa western countries at central Africa.
Ayon sa pahayag, nagsasagawa na rin sila ng imbestigasyon sa mga lugar na hindi tipikal na makikitaan ng nasabing sakit.
Batay huling tala, 92 na ang kaso na ang nakumpirma habang 28 pa ang nananatiling suspected cases na pawang mula sa 12 bansa.
Anila, maglalabas na ang WHO ng patnubay at rekomendasyon sa kung paano mapipigilan ang tuluyang pagkalat ng monkeypox sa mga susunod na araw.