Mas maraming miyembro ang nagtaas ng savings Koleksyon ng Pag-IBIG tumaas ng P67B sa Q3

NAKAPAGSUBI umano ang Pag-IBIG Fund members ng P66.73 bilyon sa loob ng siyam na buwan sa taong 2023, mataas ng P6.3 bilyon o 10% year-on-year, dahil marami ang nagku-contribute kaysa sa required na buwanang savings ng Pag-IBIG, ayon sa pahayag ng mga opisyal ng ahensya.

“We are happy that more Filipino workers are saving with Pag-IBIG Fund. The trust and confidence in our savings programs continue to grow as proven by our record-high members’ savings collections in January to September 2023. This is good news because the increase in the savings collected shall allow us to finance the increasing demand for our home loans and short-term loans, and thus allow us to serve more members. This is in line with the directive of President Marcos to provide financial access to better the future of every Filipino,” saad ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na siyang namumuno ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Samantala, sinabi rin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer (CEO) Marilene C. Acosta na ang koleksyon ng ahensya mula sa mandatory Regular Savings at voluntary MP2 Savings ay parehong tumaas sa nabanggit na panahon at nakapagtala ng bagong record-highs.

Ang koleksyon mula sa Pag-IBIG Regular Savings ay nagkakahalaga sa P31.6 bilyon, mataas umano ito ng 7% mula sa P29.6 bilyon sa parehong panahon ng nakalipas na taon. Kasama rin ang halagang P7.69 bilyon sa upgraded savings ng mga miyembro o savings kung saan boluntaryong ipinagkatiwala sa Pag-IBIG Fund maliban pa sa required monthly savings. Sa kabilang banda, ang MP2 Savings naman ng ahensya ay napanatili ang popularidad dahil sa nakuhang koleksyon na P35.13 bilyon, o 14% increase mula sa P30.81 bilyong nakolekta noong Setyembre sa nakaraang taon.

“The record-high in members’ savings we collected from January to September this year shows the wider appreciation of our members on the benefits of saving with Pag-IBIG Fund. We are grateful that the biggest growth areas in our savings collections come from our voluntary MP2 Savings and from members who save more than their mandated monthly savings,” ayon kay Acosta.

“We recognize that our members’ trust in our programs stems from how we have gained competitive returns on their savings over the past many years. We highly value that trust and that is why we assure them that we shall continue to prudently manage their hard-earned savings. That is the Lingkod Pag-IBIG way,” dagdag pa ni Acosta.