Mas Masaya Pag May Extra: Paano gamitin ang GCash Sakto Loans ngayong Pasko

MAGAAN sa loob na makapagpaligaya ng mga mahal sa buhay lalo na sa Pasko. Ngunit ­minsan ay mabigat sa bulsa na makamit ito dahil sa patung-patong na gastusin.

Ngayong mayroon nang GCash Sakto Loans, madali nang bumale para sa mga nakaligtaang gastos nang hindi na nang-aabala sa kamag-anak para makahingi ng pera o nangangamba kung saan kukuha ng extra budget.

Ang GCash Sakto Loans ay ang pinakabagong produkto ng GCash kung saan maaring makahiram ng pera. Kapag hindi ka pa eligible sa malakihang pahiram ng GCash at Fuse Lending, maaaring bumale muna ng PHP 300 hanggang PHP 1,000 mula sa GCash Sakto Loans. Wala itong karagdagang interest, maaring bayaran sa kinsenas at katapusan ng buwan at may maliit lamang na processing fee, mula P6.50 to P75, depende sa halaga ng hiniram. Higit sa lahat, walang kailangang papeles o requirements na kailangang i-submit para maka-avail ng GCash Sakto Loan.

Sa pagdagsa ng handaan, kainan, at Christmas party na kailangang puntahan at mga mahal sa buhay na kailangang kitain, ito ang ilan sa mga paraang pwedeng bumale sa GCash Sakto Loan:

● Extra handa para sa mga nagdatingang kamag-anak
Handa na sa noche buena ngunit hindi handa sa mga dagdag na bisita? Kapag kinulang ng budget para mapalaki ang handaan, hindi ka mapapahiya sa biglang dating ng pamilya dahil sa GLoan Sakto, maaaring magka-instant pamalengke. Sa GLoan Sakto, makakahiram ang GCash user ng instant cash sa halagang PHP 100, PHP 300, o PHP 500.

● Extra pamasahe para makauwi o makabisita
Hindi kumpleto ang salu-salo kapag may mga nais bisitahin sa probinsya? Maaring humiram sa GLoan Sakto ng pamasahe upang makaluwas at makapiling ang mas marami pang kamag-anak at mahal sa buhay.

Madaling tugunan ang pabale sa GLoan Sakto dahil maaaring pumili ng angkop na payment terms ayon sa kakayanin ngayong Pasko. Nababayaran ito sa loob ng 14 o 30 na araw at kapag nabayaran na ang GLoan Sakto, maaaring bumale pa ulit kung kinakailangan.

● Extra pangregalo para sa mga kapamilya, kaibigan, kaklase, o inaanak
Nakapagregalo na sa mga anak ngunit hindi pa sa ina­anak? Maging ninang o ninong of the year dahil kayang bu­male ng PHP300 hanggang PHP 500 sa GGives Sakto ­upang bumili ng karagdagang regalo sa alin man sa 110,000 na partner stores ng GCash.

● Extra palamuti para sasimpleng selebrasyon
Nakalatag na ang simpleng handaan ngunit kulang ng pailaw, pabulaklak, at padekorasyon sa bahay? Kayang bumawi sa last-minute shopping kapag sagot ka ulit ng GGives Sakto.

Dahil sa GGives Sakto, madaling mabayaran ang panga­ngailangan online man o sa mismong tindahan. Maaari ring magkaroon ng higit sa isang GGives Sakto loan, depende sa eligibility ng bawat GCash user na makikita sa dashboard ng GCash app.

“Sa dami ng alalahanin sa pagdiwang ng Pasko, hindi natin maiiwasang may makalimutang ilista o kaya’y talagang mabitin ang budget,” sabi ni Tony Isidro, CEO ng Fuse. “Imbis na ma-stress kung saan kukuha ng pambale o mapilitang humiram sa kamag-anak o kapitbahay, mayroong mas madali, mas mabilis, at mas magaang paraan para magkaroon ng extra budget.”

Para magka-instant cash mula sa GLoan Sakto, buksan ang GCash app, i-tap ang “Borrow”, at gawin ang sumusunod:
1. Tap GLoan, tapos ang “Get Started”.
2. Piliin kung para saan ang loan at i-tap ang “Get this loan”.
3. Siguraduhing tama ang personal information, at mag-agree sa Data Privacy Agreement at loan agreements.
4. Siguraduhing tama ang halaga ng makukuha sa GCash at i-tap ang “Confirm”.
5. Hintayin ang OTP mula sa GCash, ilagay ito sa app, at i-tap ang “Submit.” Makakakuha ang users ng mensahe mula sa GCash kung eligible sila para sa GLoan Sakto.

Para sa madalian at saktong pahiram na hulugan, madali lamang i-activate ang GGives Sakto. Buksan ang GCash app at i-tap ang “Borrow”.
1. Hanapin ang GGives at i-tap ang “Get Started”.
2. Basahin ang details at i-tap ang “Next”.
3. Ilagay lahat ng hinihinging impormasyon at i-tap ang “Next”.
4. Hintayin ang OTP mula sa GCash, ilagay ito sa app, at i-tap ang “Submit”. Lalabas ang bagong page para sa confirmation na activated na ang GGives.

Maaaring bumale sa GCash Sakto Loans kapag Filipino citizen, 21-65 years old, may fully-verified GCash account, maganda ang credit record sa app, walang kahit anong fraudulent transactions, at may magandang GScore sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng GCash.

Maaaring ma-access ang GCash Sakto Loans sa GCash dashboard o kaya’y i-click ang “Borrow” button. Wala pang GCash? I-download na ang GCash App sa Apple App Store, Google Play Store, o Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo!