IPINALIWANAG ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba na ang mga inilabas na datos ng PNP tungkol sa mga nasawi at sugatan at nawawala sa bagyong “Odette” ay base sa mga blotter entries ng iba’t ibang himpilan ng PNP sa mga apektadong lugar.
Nilinaw ni Alba na ang mga report na ito ay subject to documentation at investigation ng mga concerned units.
Isinusimite din aniya ng PNP ang mga report na ito sa Office of Civil Defense (OCD), para sumailalim sa validation ng OCD, DILG at DSWD.
Tiniyak naman ni Col. Alba na maingat ang lahat ng PNP units sa paguulat ng mga datos para masiguro na walang nadodoble o hindi naisasama sa bilangan.