POSIBLENG makabili na ng mas murang bigas sa mga pamilihan sa kalagitnaan ng Marso.
Ayon kay Secretary Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI), inaasahang magdaratingan na sa kalagitnaan o katapusan ng Marso ang mga imported na bigas.
Maaari aniyang mabili ang mga ito sa halagang tatlumpu’t dalawang piso (P32) kada kilo o mas mura ng dalawa piso (P2.00) hanggang tatlong piso (P3.00) sa kasalukuyang presyo ng bigas.
Sinabi ni Lopez, na inaasahan nilang agad na aarangkada ang importasyon ng bigas sa sandaling magkabisa ang rice tariffication law sa Marso 3.
Sa ilalim ng batas, pinapayagan ang kahit na sinong negosyante na umangkat ng bigas basta magbabayad ito ng tatlumpu’t limang (35) porsiyentong taripa para sa mga bigas mula sa Southeast Asia at kukuha ng phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry (BPI).
Comments are closed.