MAS PINAIGTING NA KAMPANYA NG DEPED VS BULLYING KINUTUWA NG CHR

IKINATUWA  ng Commission on Human Rights (CHR) ang mas pinaigting na kampanya ng Department of Education’s (DepEd) kontra bullying.

Inisyatibo ng Deped na sanayin ang mga guro at magulang partikular na ang pagtukoy ng “red flags” sa bullying sa kanilang mga estudyante at anak.

Layon nitong matukoy ang mga estudyante na nangangailangan na ng intervention.

Ayon sa ulat ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, nitong Nobyembre ng 2023, umabot sa 1,709 na report ng ibat ibang uri ng pang-aabuso sa mga estudyante ang natanggap ng Learner’s Telesafe Contact Center Helpline.

Ayon nman sa CHR, mahalaga ang hakbang na ito ng Deped dahil kinikilala nito ang pangangailangan ng isang proactive approach sa pagtugon sa mga kaso ng bullying sa paaralan.

Prayoridad din aniya rito ang mental health na kritikal sa overall development ng mga estudyante. PAULA ANTOLIN