(Mas pinalakas ang puwersa) PASAHERO PARTY-LIST, INENDORSO NG METRO MANILA TRICYCLE COALITION

TIYAK na ang solidong suporta ng iba’t ibang organisasyon ng tricycle operators and dri­vers association (TODA) federations sa National Capital Region (NCR) sa kandidatura ng PASAHERO Party-list, bilang kinatawan ng mga drayber at mananakay sa ongreso.

Ito ang napag-alaman mula kay PASAHERO Partylist spokesperson Atty. Homer Alinsug na kabilang sa mga lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) nitong Huwebes, sa pagitan ng kanilang partido at ni NCR TODA Coalition president Ismael “Ace” Sevilla. Kasama rin sa MOA signing ang 13 iba pang TODA federations mula sa iba’t ibang panig ng Kalakhang Maynila. Ang naturang MOA ay hindi lamang nangangahulugan ng pag-endorso ng organisasyon sa PASAHERO Partylist, kundi opisyal na pakikipagkaisa sa partido sa kanilang pagtakbo sa dara­ting na Mayo.

Mababatid na ang NCR TODA Coalition ay may tinatayang 150,000 members mula sa 17 loca­lities sa Metro Manila.

Ayon sa nilalaman ng MOA, nagkasundo ang PASAHERO Partylist at ang NCR TODA na magtulungan upang masigurong mahalal sa darating na eleksiyon ang tunay na kakatawan sa karapatan at interes ng tricycle dri­vers and operators.

Sa sandaling magwagi ang partido, ayon pa rin sa kasunduan, patuloy ang kanilang partnership upang tuluy-tuloy din ang pagsusulong sa kapakanan ng TODA at sa karapatan ng bawat mi­yembro nito sa Kongreso.

Ani Alinsug, ang pag-endorso at pakikipag-alyansa sa kanila ng NCR TODA Coalition ay lalong magpapalakas sa kandidatura ng PASAHERO Partylist.

“Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa NCR TODA Coalition sa kanilang pag-endorso at pagsuporta sa PASAHERO Party-list. Umaasa po kami na magpapatuloy ang pagkakaisa at pagtutulungang ito para sa kapakanan ng ating tricycle drivers and operators na aming isusulong sa Kong­reso, sa sandaling magwagi ang aming partido sa darating na eleksiyon,” saad ni Alinsug.

Sinabi naman ni Sevilla na sa lahat ng party-list groups na humingi ng suporta ng NCR TODA, tanging ang PASAHERO Partylist lamang ang kinakitaan nila ng sinseridad sa pagtulong sa tricycle sector.

Aniya, bitbit ng PASAHERO Partylist sa kanilang mga adbokasiya ang mga nilalayon ng kanilang organisasyon.

“Sa lahat ng party-list group na lumapit sa amin at naglatag ng plataporma, itong PASAHERO Partylist lang ang nakitaan namin ng pagkakahawig o pagkakapareho sa aming adbokasiya,” ayon kay Sevilla.

Kabilang sa mga lu­magda sa MOA sina TODA federation presidents Gardy Geronimo (Taguig City, 1st District), Sonny Ferrer (Taguig City, 2nd District), Alvin Niebres (Makati City), Homer Jalandoni (Muntinlupa City), Armando Airan Jr. (Pateros), Marcelnino Copia (Parañaque City), Reynaldo Bautista (Las Piñas), Mar Sorreda (Pasig City), Ofelia Granado (Manila), Emmanuel Aldana (Caloocan City, 2nd District), Alfredo Severa (San Juan City), Cornelio Baylon (Valenzuela City), at Arnel Andres (Parañaque City).

Lumagda rin sa MOA bilang witnesses ang iba pang NCR TODA officials na kinabibilangan nina chairman Pablo Cantoria, Jr.; Ronaldo Vivero, treasurer; Romeo Flores at Hadji Akmad Wahab na kapwa executive officers; Ronaldo Guinto, Vener Obispo at Luther Estrada na pawang board members; at Isagani Bogabel na pangkalahatang kalihim ng NCR-TODA.

Ang PASAHERO Partylist o ang Passengers and Riders Organization Inc., ay isang non-stock, non-profit organization na naglalayong katawanin sa Kongreso ang mga mananakay sa lahat ng uri ng transportasyon, kabilang na ang tricycle ope­rators and dri­vers sa buong Pilipinas. Prayoridad ng partido na maresolba ang lahat ng problemang kinakaharap ng sektor at iba pang mass transportation crisis sa bansa.

Nitong nakaraang taon, idineklara ng Commission on Elections ang PASAHERO Partylist bilang isang lehitimong party-list group na maaaring kumandidato sa May 2022 general elections.