MAS SIMPLENG QUARANTINE STATUS (Planong ipatupad ng Metro mayors)

PLANO ng mga alkalde ng Metro Manila na magpatupad ng mas simpleng quarantine status para matulungang makarekober ang ekonomiyang naapektuhan ng mga mahihigpit na lockdown.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ikinakasa na ito ng technical working group ng IATF para solusyonan ang isinusulong na mga maluluwag na polisiya.

“Imbes na buong NCR ang iyong i-lockdown, ang gagawin natin, lockdown na lang pabutil-butil. Kung saan lamang may inpeksiyon. Kunyari, isang bahay lang, dalawang bahay. Ganoon na po ang magiging shift natin ngayon. More of sa LGU na po, hindi na buong Metro Manila,” pahayag ni Abalos.

Tututukan ang tatlong apektadong sektor tuwing may lockdown kabilang ang close spaces tulad ng mga restaurant, meetings, at convention.

Kasama rin ang matataong lugar gaya ng simbahan, at closed contacts tulad ng barber shop.

Tiniyak ni Abalos na bukas sa mga pabago-bagong polisiya ang mga Metro mayor dahil paiba-iba ang variant ng virus, dahil kung hindi ay apektado ang ekonomiya ng bansa.

5 thoughts on “MAS SIMPLENG QUARANTINE STATUS (Planong ipatupad ng Metro mayors)”

  1. 614004 670295Thanks for your time so a lot for your impressive and incredible guide. I will not be reluctant to endorse your internet internet sites to any individual who really should receive direction on this dilemma. 443864

  2. 422133 430165I like the valuable details you supply in your articles. Ill bookmark your weblog and check again here regularly. Im quite certain I will learn a lot of new stuff correct here! Great luck for the next! 105235

Comments are closed.