MASAKER KINONDENA

MASBATE CITY-“I CONDEMN in the strongest possible terms this dastardly ACT. I honestly believe that is politically MOTIVATED, purposely to sow fear among the supporters of Mayor RJ Lim.”

Ito ang tahasang sinabi ni Masbate 1st District Rep.Narciso”Bong”Bravo Jr. kaugnay sa naganap na masaker sa bayan ng Balud noong Disyembre 31 kung saan dalawa ang napatay at dalawa pa ang sugatan.

Naniniwala ang kongresista na ang pagiging lider at supporter ng mga biktima sa Alkalde ng Balud ang motibo ng krimen na pinaniniwalaang mga kasapi ng Private Armed Groups(PAGs) na ginagamit ng ilang politiko rito ang responsable sa pamamaslang sa empleyadong si Reynand Villarosa at Lyn Rubio na may anim na anak at ikinasugat naman ng isa pang kawani ng LGU na si Sonny Aceron at sibilyang si Randy Rubio habang nag-iinuman ang mga ito sa Sitio Punta Dao,Barangay Dao,Balud.

Dahil dito, nanawagan si Bravo ang pamunuan ng PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa masaker upang matukoy ang nasa likod nito at mabigyan ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Kasabay nito, hiniling din sa mga awtoridad na isailalim ang buong lalawigan ng Masbate bilang election hotspot para matutukan at masupil ng iba’t-ibang law enforcement agency ang pagkilos rito ng mga armadong grupo na posibleng guluhin ang nalalapit na halalan.

“I’m calling the attention of the higher authorities to take serious note of this incident and declare the whole pro­vince as an election hotspot as early as possible”ani Bravo.

Ani Bravo, chairman ng House Committee ng Public Order and Safety at Co-Author ng Anti-Terrorism Law na kailangan tuldukan na ang nangyayaring patayan tuwing nalalapit ang eleksyon sa lalawigang ito at sa iba pang kabilang sa magugulong lugar sa bansang naging balakid na sa pagkakaroon ng mapayapa at matiwasay na eleksyon. NORMAN LAURIO