HINDI kinaya ng mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 ang masangsang na may na nagmumula sa arrival area ng nasabing paliparan.
Ayon sa impormasyon, ang nasisinghot na mabahong amoy ng bawat pasahero sa airport ay galing sa labing apat (14) na karton ng laman dagat na dala ng isang Chinese national na nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries sa NAIA dahil walang maipakitang permit.
Nabatid na ang mga nasabing 14 na karton ay naglalaman ng crabs, crayfish at organic prunes na dala ng isang nagngangalang Coa Goaxuun na nagmula pa sa Xiamen, China.
Sinabi naman ni Rex Santamaria ng BFAR, dumating ang 14 na karton na naglalaman ng seafoods dakong alas-7 ng gabi nitong Setyembre 25 sakay ng Xiamen airlines galing sa nabanggit na bansa.
Agad naman na ipinag-utos ng mga tauhan ng Bureau of Quarantine sa mga house keeper ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nakatalaga sa Terminal 2 na itapon ang mga nabubulok na laman dagat .
Dagdag pa ni Santamaria, nilabag ni Coa ang Administrative Order no. 8, na siyang nagbabawal na magpasok sa Filipinas ng undocumented goods dahil sa hindi maaaring ilabas ito sa airport ng walang kaukulang permit mula sa BFAR . FROILAN MORALLOS
Comments are closed.