MALIIT na komunidad lamang ang Masara sa bayan ng Maco, Davao de Oro. Ayon sa 2020 Census, abot lamang sa 1,125 ang bilang ng mga naninirahan dito, halos 1.35% ng total population ng Maco.
Bumagsak ang populasyon ng Masara mula sa 4,340 sa nagdaang 30 taon sa napakaraming dahilan.
Kung tutuusin, maganda sana ang lokasyon nito, ngunit palagi silang dinadalaw ng kalamidad at sakit. Kamakailan lamang ay nagkaroon dito ng landslide, dahilan upang mabawasan na naman ang bilang ng mga residente sa nasabing barangay. Ayon sa Alyansa Tigil Mina, lahat ng pamilya dito ay apektado, lalo pa nga at maraming namatay, kabilang na ang mga nawawalang minero pati na ang mga bus na nabaon sa nasabing landslide.
Dito, makikita natin ang panganib na dala ng pagmimina, partikular kapag umuulan at bumabaha.
Alam ng lahat na matindi ang epekto ng climate change. Matagal nang nagbabala ang mga grupong concerned na maniningil ang kalikasan kapoag inabuso sila gunit walang nakinig.
Iginigiit naman ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) huwag tantanan ng otoridad ang paghahanap sa 89 kataong nawawala kahit pa iniisip ng lahat na patay na sila matapos mabaon sa putik noong February 6, kaugnay ng malakas na ulan.
Kumpirmadong patay na ang 27 katao, at pinalikas na ang lahat ng mga naninirahan sa Masara, ngunit naniniwala ang CTUHR na delikado pa rin ang kanilang buhay. Nanawagan na rin sila kina Pres. Bongbong Marcos, Department of Labor and Employment Secretary Bienvenido Laguesma at Department of Environment Secretary Toni Yulo-Gonzaga na bigyan ng disenteng libing at hustisya ang mga nasawi, at higit sa lahat, agarang imbestigahan ang pangyayari.
Daan-daang mangagawa at residente ang apejjktado ng insidente, at naniniwala silang may kinalaman dito ang illegal na pagmimina ng Apex Mining Co. Inc. Patuloy mang itinatanggi ng Apex na mayroon silang pagkukulang, kitang kita naman ang epekto nitong naging sanhi nga ng kamatayan ng marami kaya accountable pa rin ang nasabing kumpanya.
Dapat umanong imbestigahang mabuti ng gobyerno ang environmental impact ng operasyon ng Apex Mining, upang mabatid kung bakit naganap ang nasabing trahedya. Imposible umanoing hindi naging pabaya ang Apex Mining kung ganitong konting ulan lamang ay nagkakaroon na ng landslide.
Ayon sa imbestigasyon ng CTUHR, lampas saw along oras ang trabaho ng mga minero at hindi pa nakakasunod ang Apex sa safety and health standards NLVN