MASAYA ANG MADLANG PINOY KAY DON RAMON S. ANG

WOW, salamat at hindi ibang oligarch na masiba sa pera ng bayan ang nakakuha ng kontrata para sa rehabilitation ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na hindi na nakakuha ng positibo at magandang reaksiyon sa pipol ng mundo.

Worst airport ang NAIA kumpara sa magagandang airport tulad sa Japan, Singapore, Saudi Arabia at yes, sa China na butangero.

Kung ang tropa nina Ayala, Manny V Pangilinan (MVP) at iba pang oligarko ang nakapakyaw ng NAIA rehabilitation, tiyak marami ang magsasabi at magtatanong ng, “Bakeeeet?”

Pero nang mabalita na kay Don Ramon S. Ang at ang kanyang San Miguel Corp. napunta ang kontrata, masaya ang tao — walang nagrereklamo, walang nagtatanong, walang bumabatikos.

Yes, opo, keri, masaya ang madlang Pinoy, aba kung iba ang magre-rehabilitate ng NAIA, baka naghain na ng resolution ang mga kongresman at mga senador para busisiin iyon.

Pero nada, wala, lahat very happy at si Don RSA ang magpapaganda, magpapaayos ng NAIA at sabi pa ng mga netizen, pag naayos na ang paliparan, palitan na ang pangalan at ibalik sa dating Manila International Airport (MIA).

Maliwanag, maraming Pinoy ang buo ang tiwala, at kahit ang kapwa negosyante ni Don RSA, walang palag, maging ang nakalaban ng SMC at kapartner na foreign company na magre-rehabilitate sa NAIA e walang protesta, walang ingay.

Ibang klaseng oligarch si Don RSA: love siya ng lahat at walang nagsususpetsa na may mangyayaring anomalya sa proyektong siya ang gagawa.

This trust kay Don RSA ay wala sa ibang oligarch, mind you.

Sana all ng oligarko ay katulad ni Don Ramon S. Ang na iginagalang, minamahal at kinaiinggitan ng kapwa niya superyaman.

Iba kasi ang reputasyon ni Don RSA sa ibang oligarko na ang pagkakilala ng publiko ay greedy, corrupt.

Pero si Don RSA, ang pangalan niya ay may kakambal na dignidad, honesty at maayos na paggawa ng mga infra projects na walang alingasngas ng korupsiyon.

o0o
Yes, we trust you, people trust you, kasi si Don RSA, iba kung makipag-deal sa publiko, maayos siyang makipagkontrata sa gobyerno, at kung isa akong oligarko, mamamatay ako sa inggit sa pagmamahal at suporta sa kanya ng madlang Filipino people.

Kilala kasi si Don RSA na matapat na kapartner ng pamahalaan, mula pa sa panahon ni Gloria Macapagal Arroyo (GMA), Benigno ‘Noynoy’ Aquino (PNoy), Rodrigo ‘Digong’ Duterte at ngayon kay Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (PBBM), iba ang paghanga niya sa Chief Executive Officee (CEO), presidente ng SMC.

Wala ni isa na mag-aakusa sa kanya na siya ang tuso at masiba at matakaw sa pera.

Kung tumubo siya sa kanyang proyekto, iba si Don RSA, ibinabalik niya sa taumbayan ang profit niya sa maraming kawanggawang proyekto.

At pag nagbigay siya ng tulong sa mga nangangailangan, wala siyang magarbong press release para maitampok sa bayan na siya ay isang magaling na pilantropo.

Bukal kasi sa puso niya ang pagtulong; walang ulterior motive, hindi kasi siya mahilig sa publisidad.

Hanggang maaari nga, ayaw niyang ipaalam ang kabutihan niya pero ang mga nagmamahal sa kanya, hindi makatiis, ibinabando ang magaling niyang alay at biyayang ibinibigay sa tao at sa mga institusyong kailangan ng ayudang pinansiyal.

Tiyak ipinagmamalaki si Don RSA ng kanyang pamilya, lalo ng kanyang mga anak.

E ‘yung ibang oligarko, kung maaari lamang, itago nila ang kanilang pangalan, kasi, pag narinig na sila ay anak ni Ganun, ni Ganyan, ni Ganern ang tiyak na kasunod, ay ang parunggit na, “Anak ‘yan ng Kurakot!”

o0o
Teka, wag sabihin, wag akong akusahan na sipsip kay Don RSA, kasi hindi ko siya kilala, at hindi niya ako kilala at never in my years as a journalist na siya ay aking nakausap, na-meet minsan man.

Kaya ko siya napupuri, dear readers, kasi ang mga gawa niya ang nagtatanyag sa kanyang mahusay at mabuting pagkatao — na wala sa ibang tulad niyang superbilyonaryo.

Si Don Ramon S. Ang sa pagkakilala ko ay isang mabuting tao, at ito ay nabuo sa isip ko, mula sa maraming matatagumpay na government projects na nakuha niya sa pamahalaan.

Wala isa man ang puwedeng magsabi na inagrabyado niya ang gobyerno; masaya ang taumbayan sa mga natapos niyang mega ingra projects.

Kasi, mahal niya talaga ang ating bayan, at sa mga interbyu sa kanya, lagi niyang sinasabi: Wala saya yaman ang karangalan niya, kung ang nais niyang karangalan at pagkakilala sa kanya ay ang kanyang iiwang marangal na pangalan.

Mabuti siyang negsyante, isa siyang kagalang-galang na lalaki, tunay na maginoo.

Hindi siya Tambaloslos, hindi siya masiba at hindi siya tulad ng kilala nating oligarko na bundat na sa salapi, ang paniniwala sa sarili, lagi siyang inaagawan ng kakainin, gayong bundat na bundat na sa kabusugan.

Masaya ang marami na si Don RSA ang nanalo sa bidding ng NAIA, kasi alam ng marami, mapapaganda niya ang ating airport nang maayos, at mabilis at magiginhawahaan ang publiko pag natapos niya ang pagpapaganda niyon.

Kasi mahal niya ang Pilipinas, kasi pinangangalagaan niya ang kanyang pangalan: mas mahal ni Don Ramon S. Ang ang dignidad niya, ang kanyang pangalan, ang malinis at marangal na pangalang ipamamana niya sa kanyang pamilya, sa kanyang mga anak.

At higit sa lahat, ang ipamamana niyang legacy sa Pilipinas!

Si Don RSA ay ang most loved na oligarch.

Sana siya na lamang at ang mga kapartner niya ang makakuha ng iba pang government projects.

Sana lang po, opo, sana si Don RSA na lamang.

Sa kanya, ang Pilipinas ay magiging great, magiging good lagi ang mamamayang Pinoy.

o0o
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].