MASAYANG BUHAY SA MAALIWALAS NA BAHAY

MAALIWALAS NA BAHAY-1

(ni CT SARIGUMBA)

MATAPOS ang maghapong pagtatrabaho, hangad ng marami sa atin ang makapagpahinga. Makapag-relax kasama ang pamilya o mahal sa buhay. Pero minsan, sa kawalan ng panahon ay hindi na nagagawa pang linisin o ayusin ang lugar na ating inuuwian. May mga pagkakata-ong naiiwan itong makalat.

Nakaiinit din ng ulo ang magulong bahay. Kaya naman para maging masaya ang buhay, narito ang ilang simpleng tips nang umaliwalas ang bahay at makapagbigay-ngiti sa bawat miyembro ng pamilya:

DEKORASYONG NAKAPAGPAPANGITI

May iba’t ibang dekorasyong maaari na­ting subukan. Ngunit ang pinakamagandang dekorasyong maipapayo ko ay ang mga décor na nakapagbibigay ligaya sa inyo. Mas magiging masaya nga naman tayo kung maganda at gusto natin ang mga dekorasyong nakapalibot sa loob ng ating tahanan.

Hindi lamang din gustong kulay ng pintura o wallpaper ang piliin kundi maging ang mga bagay o furniture na ngiti at pag-ibig ang dulot sa inyo.

Kung napalilibutan nga naman tayo ng mga bagay na love at gusto natin, magiging masaya tayo sa araw-araw.

GAWING MAALIWALAS AT RELAXING ANG KUWARTO

KUWARTOKung mayroon mang isang lugar na masasabi kong mada­ling kumalat o madalas na nagiging makalat, iyan ang kuwarto. Dahil nga naman hindi nakikita ng iba o marami ang kuwarto, kadalasan ay hinahayaan natin itong makalat. Mula nga naman sa higaan o kama hanggang sa closet. Minsan nga, tila ukay-ukay na ang hitsura ng closet natin. Kapag nagmamadali nga naman, basta-basta na lang tayong kumukuha ng damit. Hindi rin natin naibabalik sa dapat na paglagyan ang mga gamit na nagiging dahilan din ng kalat.

Mahalagang makapagpahinga tayo matapos ang maghapong pagtatrabaho. At kung makalat ang kuwarto natin, tiyak na hindi natin magagawa ang mag-relax.

Kaya naman, ga­wing maaliwalas at relaxing ang kuwarto. Iwasan ang pagkakalat, iyan ang unang-unang kailangan nating gawin.

Upang maiwasan ang pagkakalat, dapat ay ibalik natin sa kinalalagyan ang mga bagay na ginamit o nahawakan natin. Pagkagis-ing din ay tiklupin at ayusin na kaagad ang hinigaan nang maging maayos ito. Palitan din ang kobre-kama at kurtina para mapanatil-ing malinis ang kabuuan ng silid.

Kug malinis at maaliwalas nga naman, makapagpapahinga tayong mabuti. At kapag nakapagpahinga tayong mabuti, ngiti ang magmamarka sa ating mga puso’t pisngi. Puwede ring maglagay ng scents na nakapagpapakalma.

PAGLALAGAY NG HALAMAN

SALA-1Hindi lahat ng tao ay masasabi nating mahilig sa halaman at mga bulaklak. Pero isa ang halaman at bulaklak sa nakapagpapa-ganda ng bahay o lugar. Masarap din sa mata at pakiramdam ang mga halaman at bulaklak.

Sa lahat yata ng tips sa pagpapaganda ng tahanan o kuwarto, isa sa hindi puwedeng mawala ang paggamit ng bulaklak at hala-man. Simpleng-simple lang din naman kasi ang naturang dekorasyon at nakapagdudulot pa sa atin ng ligaya. Mas buhay na buhay rin ang isang kuwarto o bahay kapag mayroong fresh flowers o halamang naka-display.

STRESS-FREE ZONES

Stressful nga naman ang buhay. Hindi rin natin maiiwasan ang stress sa araw-araw. Sa traffic pa lang na nakasasalamuha natin sa tuwing may pupuntahan tayo o magtutungo sa opisina, sangkatutak na inis at stress na ang nadarama natin. Idagdag pa ang mga nakatambak na trabahong kaila­ngang tapusin. Nariyan pa ang pangangailangan ng pamilya, mga gastusin at kung ano-ano pa. Tala-ga nga namang papagurin ka ng stress.

At para maibsan ang nadaramang stress, mainam ang paggawa ng stress-free zone. Kumbaga, humanap ng isang lugar o es-pasyo sa inyong bahay na maaari ninyong ayusin at pagandahin. Iyong tipong kapag naroon kayo, nare-relax kayo’t sumasaya.

Halimbawa, mahilig ka sa libro. Gumawa ka ng maliit na library sa bahay. Hindi kailangang magarbo. Basta’t ilagay lang doon ang mga gamit na nakapagpapasaya sa iyo gaya ng mga paborito mong libro. Maglagay ka ng upuan, lamesa at lamp. Kung stress at gusto mong mag-relax, magbasa ka lang ng libro at paniguradong mabubura ang nadarama mong stress at mapapalitan ito ng saya o ligaya.

PANATILIHING MALINIS ANG BAHAY

MAALIWALAS-2Para rin sa maaliwalas na bahay at masa­yang buhay, mahalaga rin kung maayos at malinis ang kabuuan ng inyong tahanan. Saan mang sulok ng bahay ay siguraduhing malinis—nakikita man iyan ng bisita o hindi.

May iba kasi sa ating dahil hindi naman nakikita ng bisita, hinahayaan na nating makalat o kinaliligtaan na nating ayusin at linisin.

Importante siyempre ang malinis na bahay nang maging ligtas ang buong pamilya.

Kung gusto nating pagandahin ang ating tahanan, napakaraming paraan ang maaari na­ting subukan. Basta’t tandaan na sa pagdedekorasyon, siguraduhing gusto niyo ito, safe ang buong pamilya at higit sa lahat huwag ding sosobrahan ang gagawing pagpapaganda o pagdedekorasyon. Tandaan na lahat ng ­sobra ay nakasasama.

(photos mula sa pinterest.ph, chatelaine.com, ringlogie.com at goodhousekeeping)

Comments are closed.