(Masayang Pasko inaasahan-DILG) MILYONG BAKUNA DADAGSA

TIWALA si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na magiging mas masaya ang Pasko ng mga Pinoy ngayong taon dahil na rin sa pagdadatingan pa ng mas maraming COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay Año, siya ring vice chairperson ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, nakikini-kinita na nito na sa pagtatapos ng taon ay mas malaking bahagi na ng populasyon ng bansa ang protektado laban sa COVID-19.

Nangangahulugan aniya ito na ang halos kalahati ng kabuuang populasyon ay bakunado na at ang lahat ng mga negosyo ay bukas na rin dahil sa pagluwag ng mga restriksiyon sa bansa.

“We’ll have a merrier/happier Christmas this year because we will be hitting the population protection level before the end of the year. That means at least half of our total population has been vaccinated.

Almost all businesses are opened by then and almost all restrictions are eased (by then),” pahayag pa ni Año.

Batay sa datos mula sa Department of Health (DOH), hanggang Hunyo 13, kabuuang 6,948,549 doses na ang nai-administer ng pamahalaan. Sa naturang bilang, 5,068,855 ang first doses at 1,879,694 naman ang second doses.

Ang total doses naman na na-administered sa ika-15 linggo ng vaccination rollout ay umabot na sa 982,898 doses.

Iniulat rin ng kalihim na sa kanilang DILG central office sa Quezon City, nasa 1,300 doses ng Sinovac vaccine ang inilaan para magamit ng kanilang mga personnel na mababakunahan simula nitong Hunyo 16 hanggang 18.

Una nang sinabi ng kalihim na magpapakalat sila ng 50,000 police at fire personnel upang magkaloob ng suporta at seguridad sa national vaccination rollout, na kinabibilangan na ngayon ng A4 category (economic front-liners) at A5 category (Indigents).

Hanggang nitong Hunyo 16, ang Filipinas ay nakatanggap na ng kabuuang 12,705,870 bakuna, na kinabibilangan ng mga donasyon at binili ng pamahalaan. EVELYN GARCIA/ VERLIN RUIZ

7 thoughts on “(Masayang Pasko inaasahan-DILG) MILYONG BAKUNA DADAGSA”

  1. 146892 777442Spot on with this write-up, I need to say i believe this excellent site needs significantly a lot more consideration. Ill probably be once once again to learn an excellent deal a lot more, several thanks that information. 51228

  2. 687292 227887Hey, you used to write amazing, but the last couple of posts have been kinda boring I miss your tremendous writings. Past couple of posts are just slightly out of track! come on! 268172

  3. 916021 832450This design is steller! You most undoubtedly know how to keep a reader entertained. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Amazing job. I truly loved what you had to say, and more than that, how you presented it. Too cool! 625680

Comments are closed.