MASAYANG PINOY NABAWASAN

SWS

NABABAWASAN na ang bilang ng mga Pinoy na naniniwalang sila ay masaya sa kanilang buhay sa ika-apat na quarter  ng 2018, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations.

Sa survey na isinagawa noong  Dis­yembre 16 hanggang Disyembre 19, 2018, napag-alaman na 87% sa mga repondents ang “very/fairly happy” sa kanilang buhay.

Ang naturang resulta ay mababa ng 7 puntos mula sa 94 porsiyento na naitala noong Disyembre 2017. Ito na rin ang sumunod sa pinakamababa simula noong Disyembre 2014 sa happiness score na 85%.

Sa 87%, 39% ang nagsabing sila ay ‘very happy’ at 48% naman ang nagsabing sila ay ‘fairly happy’.

Umabot naman sa 13% – 11% ang ‘not very happy’ at  2% ang ‘not at all happy’ – ang unhappiness score, pinakamataas simula noong Disyembre 2014 sa 15%.           GELO BAIÑO

Comments are closed.