MALAKING kompetisyon at malawak na komunikasyon,
matatamasa na ng mamamayang Filipino saan man sa bansa ngayon.
Pangatlong telco company ang sumakay na sa bandwagon…
sa pagkakaloob ng makabagong serbisyo… saan ka man naroroon.
Ang tambalan ng Udenna Corporations ng negosyanteng si Dennis Uy
kasama ang China at Chelsea …mga bagong major players sa telecom…
Antabayanan natin ang pangako nilang masiglang kumpetisyon…
magpapababa raw sa singil sa konsumo ng inyong mga cellphone.
Layon daw ng gobyerno sa pagpasok ng mga bagong telco player
ang gibain ang pamamayagpag ng dalawang communications suppliers,
‘duopoly’ ng Globe at Smart, wala nang forever…
may babalanse na sa kanilang pagiging service provider.
Sana naman ay maging makatotohanan
pangako nilang mababawasan gastos sa serbisyong kailangan
Sa panahon na ito na ang cellphones at internet ay lubhang kailangan
dapat itong maging abot kaya kahit pa karaniwang mamamayan.
Maging mapagmasid at metikuloso tayo mga kababayan…
kung ang serbisyong ating inaasam ay makakamtan…
Ibibigay natin ang papuri sa mga kinauukulan…
gayunman pupunahin sila at pariringgan upang sila ay makaramdam.
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.