MASIKIP NA TRAPIKO ASAHAN SA QC SA PAGDAAN NG LA NAVAL DE MANILA

MMDA TRAFFIC

ISASARA ang ilang kalye sa Lungsod ng Quezon kaya’t asahan ang masikip na  daloy ng trapiko sa araw ng Linggo  (Oktubre 14) dahil sa isasagawang  prosisyon ng “La Naval de Manila”, na ina­asahang dadaluhan ito ng  30,000 deboto.

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development  Authority (MMDA), isasara ang ilang bahagi ng Quezon Ave­nue,  Westbound mula   split/tunnel ng  Araneta Avenue hanggang D. Tuazon Avenue mula alas-4:30 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ayon sa MMDA, na mula sa east gate ng Santo Domingo Church  lalabas ang prosisyon, kakaliwa ito Santo Domingo St., kaliwa sa  Dapitan St., kaliwa sa D. Tuazon, kaliwa sa Quezon Avenue (counterflow using Westbound  of Quezon Ave.), at matatapos sa bandang likuran ng naturang simbahan.

Kung kaya’t pina­yuhan ang mga moto­rista na gumamit na lamang ng alternatibong ruta, na mula Quezon Avenue West bound, kumaliwa sa Ara­neta Avenue, kanan ng  ERB hanggang Welcome Rotonda at destinas­yon.

Mula Quezon Avenue West bound, kanan sa Araneta Avenue, kaliwa ng Maria Clara St., kaliwa sa Mayon St. hanggang Welcome Rotonda at destinasyon.

Mag-extend  sa  Araneta Avenue, kaliwa ng  Amoranto Sr. St.,  kaliwa sa Mayon St. hanggang  Welcome Rotonda at destinasyon.

Samantala, sa East bound naman ng  ­Quezon Avenue  ay hindi apektado ng prosisyon.

Ayon sa MMDA, ang layunin ng re-­routing ay upang  bigyan ng daan ang pro­sisyon  para sa taunang fiesta ng National Shrine of Our Lady of the Holy Rosary “La Naval de Manila”.

Sa estimate ng MMDA, inaasahang nasa 30,000 deboto ang dadalo sa prosis­yon, kaya’t asahan aniya ang mabigat na daloy ng trapiko sa kalapit na mga kalye.   MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.