MASK FOR MANANG

Sabi ni Gina Tabonares Reilly, “Our 10-day cruise feels so short. Still dreaming of the picturesque view every corner of Juneau, Haines, Kitchekan, the Tomsfjord Glacier and Prince Rupert of Canada. Same time last month, I had a wonderful birthday at Carnival Cruise Line  @carnivalmiracle. Thank you my hubby Robert Reilly for another memorable travel. It was fun ha­ving you around Dhyun Amore Duque  and Kurt Smith.”

Isang dating mainstream journalist sa Pilipinas, nagpasiya si Gina na makipagsapalaran sa America. Maganda, mabait, marunong ma­kisama at may angking talino, isang napakala­king sugal ang pag-alis sa Pilipinas at pagpunta sa Guam, lalo pa at namamayagpag na siya noon sa kanyang karera.

Ngunit mas pinili niya ang tawag ng pag-ibig. Nagpakasal siya kay Bob Reilly, hubby niya for 30 years. Hindi man sila biniyayaan ng anak, nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.

Noong kasagsagan ng pandemya, namatay sa covid ang kanyang inang si Teresita Tabonares — na labis niyang ikinalungkot. Naiwang pamana sa kanya ang isang lumang makinang panahi na nagpapaalala ng pagmamahal niya sa kanilang magkakapatid.

Gamit ang Lumang makina, nagsimulang gumawa ng cloth face

masks si Gina at ibinenta niya ito sa halagang $5 ss commercial port at Navy port.

“We were able to sell $2,000 worth of face masks,” aniya.

Likas na may maawaing puso at Wala rin naman siyang anak, lahat ng kanyang kinita ay ipinadala niya sa Pilipinas upang mapakain ang 350 poorest families sa Bataan.

“You should be proud of me, Inay. I’m already making a lot of face masks,” sabi pa ni Gina.

Sinorpresa siya ng asawang si Bob ng isang birthday lunch sa kanyang trabaho, at sa kasamaang palad, nahawa siya ng virus. Walang problema, malakas ang kanyang resistensya, ngunit hindi ang kanyang inang nasa Pilipinas na agarang dinala sa ospital.

Dahil sa protocols, walang kasama ang matanda sa ospital kaya wala silang ideya sa kala­gayan nito. Basta ang alam nila, intubated ito, nasa ICU at positive sa COVID-19.

Bago inalis ang mga tubong nagpapalawig ng buhay ng kanilang ina, pinayagan sila ng mga dukyor na makapagpa­alam. Nagsoot ang kanyang kapatid na lalaki ng personal protective equipment at nakapasok sa ICU hawak ang cellphone upang makapagpaalam silang lahat.

“She had a lot of friends. She always sewed for everybody,” Sabi pa ni Gina.

Itinuturing na kayamanan ni Gina ang pamanang makina ng kanyang Ina. May nago rin siyang misyon, ‘Masks for Manang”.

Paul pa rin siyang gumagawa ng face mask at ipinamimigay niya ito ng libre kung may humihingi — para sa kanyang Ina.

“Malay nyo, may mailigtas na isang ina ang  face mask ko, I think, my mom would still be happy. And my mom is going to be smi­ling from heaven above how I’m making these skills very useful and helpful,” Ani Gina. “I wasn’t able to save my mom from this COVID, but through other people I hope I can save one mom.”

RLVN