NANGAKO sa Department of Trade and Industry (DTI) ang nag-iisang manufacturer ng surgical masks sa bansa na magpo-produce ng dalawang milyong piraso ng masks bawat buwan, pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez kamakailan.
Sa isang abiso, sinabi ni Lopez na nag-commit ang Medtecs International Corp. Ltd. ng supply na 100,000 piraso ng surgical masks ngayong linggo at 400,000 kada linggo na susunod, sabay ng pagtataas ng produksiyon para matugunan ang tumataas na demand.
Sinabi ni Lopez na ang Bataan-based manufacturer ay puwedeng mag-produce ng 80,000 piraso surgical masks bawat araw.
“Medtecs, which has been operating in the country for the last 41 years, expressed their continuous commitment to support and prioritize the requirements of the Philippines,” dagdad niya.
Nagkaroon ng biglang pagtaas ng demand para sa surgical masks nitong nakaraang linggo matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV).
Hanggang nitong nagdaang Biyernes, nawalan ng stock ang major drugstores tulad ng Mercury Drug at Southstar Drug at ini-report nila sa DTI, habang ang Watsons ay may kaunti pang naipamahagi sa buong bansa.
“They reported that there will be incoming stocks this week,” sabi ni Lopez.
Hiniling na rin niya ang attached agency, Philippine International Trading Corp. (PITC), na kumuha ng limang milyong piraso ng masks para maidagdag sa local supply.
Hanggang nitong Lunes, nagsabi ang India, Pakistan, United States, at ibang bansa sa European Union na mayroon silang limitadong stocks ng surgical masks.
Naghihintay ang PTIC ng sagot mula sa Thailand at Vietnam.
Para sa mga alcohol at hand sanitizers, sinabi ni Lopez na walang pagkukulang sa mga nasabing produkto dahil marami ang local manufacturers nito at madali lamang mapalitan at madagdagan. PNA
Comments are closed.