Iginiit ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada na dapat magkaroon ang gobyerno ng contingency plan upang tulungan ang mga Pilipino sakaling ituloy ni US President Donald Trump ang malawakang immigration crackdown.
“Madaling sabihin, pero mahirap gawin. Madaling sabihin na sana piliin na lang na umuwi ng mga undocumented nating kababayan na sa US kaysa hintayin pa nilang mai-deport,” ani pa ni Estrada.
Bukod dito, sinabi niya na bilang karagdagan sa aksyon ng ahensya ng gobyerno na lumikha ng mga logistical support plan para sa tuluyang repatriation, ang mga awtoridad ay dapat ding tumulong sa mga umuuwing Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga trabaho o iba pang paraan ng kabuhayan.
“Apektado rin ang mga pamilyang umaasa sa padala ng mga kababayan natin na walang legal na basehan ang paninirahan sa US sakali man na mapilitan silang umuwi ng bansa.”
“Our government should be prepared to offer financial assistance programs to help families affected by the loss of a financial lifeline.”
Nauna rito, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na posibleng tuparin ni Trump ang kanyang pangako na ipa-deport ang mga undocumented Filipinos.
LIZA SORIANO