IBINIDA ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na tumaas ang antas ng paniniwala sa coronavirus disease vaccine ng publiko bunga ng sunod-sunod na pag-arangkada ng mass immunization sa mga health worker sa iba’t ibang bahagi sa bansa.
Una nang nagkaroon ng simultaneous vaccination sa anim na pangunahing government hospitals sa Metro Manila noong Marso 1, isang araw makaraang dumating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na sinundan ng iba pang pagamutan sa Metro Manila at sa mga lalawigan.
Ayon kay Galvez, Marso 4 naman nang sabay-sabay mag-administer ng covax ang Cagayan de Oro City, Vicente Sotto Memorial Hospital in Cebu City, at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Maging sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) rin ay nagsagawa na ng mass inoculation.
“Mass inoculation was also conducted in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) using Sinovac vaccine,” dagdag pa sa ulat ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte at inidagda na ito ay kapareho sa rollouts na isinagawa sa iba’t ibang civilian hospitals kasama na ang Makati Medical Center.
“Public confidence on COVID-19 vaccines is increasing, noting that after hospital directors received the shots” bahagi ng report ni Galvez.
Aniya, makaraang magkaroon ng vaccination sa mga director ng ospital, tumaas ang level ng kumpiyansa ng pulbiko sa bakuna at katunayan sa Northern Mindanao Medical Center ay halos 100 percent na ang nagpapabakuna. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.