MASS RESIGNATION SA BSP?

Erick Balane Finance Insider

OUT of delicadeza, isang opisyal ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang  nagbitiw sa puwesto kasunod ng nabunyag na “ghost employees” kamakailan.

Ayon sa  source, napipinto ang isang ‘mass resignation’ sa BSP dahil sa  nasabing ‘ghost employees scandal’ habang plano umano ng Malacañang na magsagawa ng malawakang pagbalasa sa naturang tanggapan.

Ang iba pang idinadawit  sa ‘ghost employees scanddal’  ay inaasahang susunod na ring magsisipagbitiw at hinihintay na lamang ang opisyal na hudyat na manggagaling sa Palasyo.

Ang PBS ay naghain ng administrative diciplinary case laban sa mga empleyadong tumatanggap ng sahod at benepisyo mula sa BSP na hindi naman talaga nagtatrabaho.

Sa kabila ng kontrobersiya, siniguro ng BSP na tuloy pa rin ang kanilang operasyon para sa stability ng financial system.

“Like most ghost employees of the BSP were discovered because one of them made his or her presence felt – like a poltergeist of sorts in German folkline or those that make ratlling or eerie sounds,” sabi ni BSP Governor Eli Remolona, Jr., idinagdag na ginagawa nila ang lahat  para matigil o masugpo ang “ghost employees scandal” at mapangalagaan ang reputasyon at kredibilidad ng independent institutions.

PAGCOR CHIEF EXECUTIVE OF THE YEAR

Pinarangalan kamakailan bilang Executive of the Year si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Alejandro Tengco sa idinaos na prestihiyosong Global Gaming Awards Asia Pacific para sa taong 2024  sa Conrad Hotel sa Pasay City.

Itinanghal na runner up sa nasabing awarding ceremony si MGA China President and CEO Hubert Wang, samantalang iginawad naman kay Aristocrat Gamings General Manager for Asia Lloyd Robson, gayundin kay Jade Entertainment and Gaming Technologies Founder and CEO Joe Pisano ang third place.