MASS SURRENDER NG BIFF WELCOME GOV’T TROOPS

MAGUINDANAO- SENTRO ng pagbisita ni Philippine National Police (PNP) Gen. Benjamin Acorda Jr. sa Camp BGen. Salipada K. Pendatun sa Parang sa lalawigang ito ang pagbibigay ng papuri sa kanyang mga tauhan kasunod ng mass surrender ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Liberation Front (BIFF).

Sa record, nasa 50 BIFF members ang nagbalik-loob kaya naman nagagalak ang PNP at maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang pagnanais na maging normal ang buhay.

Ayon kay Acorda, ang mass surrender ay isang pagwawagi, hindi lang sa panig ng pamahalaan kundi ng buong sambayanang Pilipino dahil magpapatuloy ang kapayapaan.

Upang matulungan ang mga rebel-returnee, aayudahan sila ng pamahalaan kung saan may nakalaang programa para sa mga nais magbagong buhay.

Kabilang sa itutulong ng gobyerno sa mga nagbalik-loob ay livelihood , pagsasanay para sa hanapbuhay, skills development at cash aid.

Nanawagan naman si Acorda sa iba pang rebelde na magbalik-loob at handa silang alalayan sa para makabalik sa normal na buhay.
EUNICE CELARIO