SA nakaraang pagpupulong ng mga business leader, sinabi nilang hanggang maaari sana ay hindi na mapahaba itong wholesale lockdown sa bansa dahil walang paggalaw ang ekonomiya at walang gumagalaw sa produksiyon ng mga kina-kailangan ng kabuuang populasyon.
Ang kanilang rekomendasyon ay mass testing upang matukoy na ang mga indibidwal na may impeksiyon at mga komunidad na kontaminado ng COVID-19. Tama nga naman, kung baga sa isang pasyente, bakit mo ooperahan ang puso kung ang sakit ay nasa atay?
Ngunit si Bicol Rep. Joey Salceda, isang kilalang ekonomista, ang nagsabing baka kapag ini-lift nang maaga ang lockdown ay mas makaka-damage sa ekonomiya dahil walang mass testing na nangyayari.
Kung bakit iniskedyul ng Department of Health (DOH) na sa Abril 14 pa sisimulan ang mass testing ay lubhang napakahiwaga. Hindi ba ideal na isinagawa sana ito sa pagsisimula pa lamang ng community quarantine dahil ang mga tao’y nasa kani-kanilang mga tahanan lang naman?
Ngunit hindi ganoon ang naging istratehiya ni Sec. Francisco Duque, pinasasabog muna niya ang virus nang husto sa mga pop-ulasyon bago niya simulan ang kanya umanong bersiyon ng mass testing.
Paano ba magma-mass testing si Duque kung lilimang laboratoryo lamang ang kanyang gamit upang maproseso ang mga spec-imen na galing sa milyon-milyong katao? Paano makapagbibigay ng real-time result ang kanyang PCR test kit gayong umaabot ng isa hanggang dalawang linggo ang resulta ngayon pa nga lamang na wala pang mass testing?
Bakit niya pinayagan ang mga rapid test kit kung wala naman pala siyang balak ipagamit ito sa mga local government unit? Hin-di ba malaking kahunghangan ito? Bukod sa limang brand ng rapid test kit ay may inaprubahan siyang tatlo pang brand ng rapid test kit na gawa sa Tsina, ngunit sa aking pagsusuri ay nalaman kong ang mga brand na ito ay hindi aprubado ng China Food and Drug Administration.
Akala ko ba partikular siya sa kalidad ng mga produktong gagamitin ng mga Filipino, bakit pinalusot niya ang tatlong brand na wala sa listahan ng pamahalaan ng Tsina? Gusto ba nyang gayahin ng Filipinas ang nangyari sa Spain kung saan bumili ang huli ng mga substandard na produktong rapid test kit sa Bioeasy na kompanyang hindi kinikilala ng Tsina?
Sabotahe ba ito Sec. Duque sa isasagawang mass testing sana na gamit ay rapid test kit na matagumpay na naging katuwang na teknolohiya ng bansang South Korea sa pag-flatten nila ng COVID-19 incidents curve?
Mukhang hindi ka na makakalimutan sa kasaysayan ng Filipinas, Sec. Duque, bilang kalihim na pinagtampisawan ang dugo ng milyon-milyong mga Filipino.